sixteen
Binuklat ko ang mga textbooks ko na nakapatong sa center table. Pasimple kong tiningnan si Wyatt na pinapanood akong hanapin ang aaralin namin.
Seryoso nga siyang sumama rito sa bahay at turuan ako sa ire-report ko. Wala sila Mommy nang dumating kami, kaya si Ate Lyra lang ang naabutan namin. Ang sabi niya, dito na lang kami sa second floor mag-aral para hindi kami maabala.
Tumikhim ako at umupo na ng maayos nang mahanap ang topic. Nakuha naman na ni Wyatt ang ibig kong sabihin. Kinuha niya ang libro para basahin iyon.
"Gusto niyo ba ng merienda?" Lumapit si Ate Lyra sa amin.
"Busog pa kami, Ate. Kakakain lang namin bago umuwi."
Tumango naman si Wyatt bilang pagsang-ayon.
"Sige pala. Hindi ko na rin kayo aabalahin para makapag-aral kayo," paalam ni Ate at tumungo na sa hagdan para bumaba.
Ngumuso ako habang nakatingin kay Wyatt na seryoso sa pagbabasa. "Wala ka na bang ibang gagawin?" tanong ko sa kanya.
"Saan?"
"Kahit ano... Sa school works?"
Umiling lang siya at nagpatuloy sa pagbabasa. Mamaya kasi may gagawin pa pala siya, tapos ay inaabala ko siya rito. Pero sabagay, hindi naman ako humingi ng tulog sa kanya at siya naman ang nagkusa.
Bigla lang yata nagbago ang ihip ng hangin at may oras na siya ngayon.
"Where's your notebook? I'll try to solve this."
Mabilis ko namang binuklat ang notebook ko at nilapit sa kanya. Kinuha niya iyon at mabilis na nagsulat roon. Parang wala lang ilang minuto nang binasa niya iyon, nakuha niya na kung paano gagawin. Samantalang ako, ilang beses ko nang pabalik-balik binasa, wala namang pumapasok sa utak.
"Nakuha mo na?" usisa ko. Tumango naman siya pero parang hindi pa siya kumpyansa.
"Yeah... but this formula is way more complicated. I'll find an easier one."
Tumango-tango naman ako at tiningnan ang gawa niya. Ang haba nga at ang daming pagdadaanan bago makuha ang tamang sagot. Tinitingnan ko pa lang ay para na akong nahihilo.
Hindi ko kaya 'yan.
"Tama, tama. Hanap ka ng mas madali."
Inabot na kami ng ilang minuto, at marami na siyang nasulat sa notebook ko. I-re-review ko raw iyon lahat. Parang gusto ko na lang maiyak dito. Hindi ko napansin na madilim na pala, at nakauwi na sila Daddy. Pag-akyat niya ay nakita niya kami agad ni Wyatt na nasa living room.
"Wyatt? You're here..." bati nito at lumapit sa amin.
"Good evening, Tito."
"Tinuturuan niya ako, Dad," paliwanag ko sa kanya, kahit obvious naman dahil sa dami ng nakabuklat na libro sa mesa.
"That's good! Mabuti at tinutulungan ka ni Wyatt. Pasensya ka na sa anak ko, dinala ka ba niya rito?" baling ni Daddy kay Wyatt, tumaas naman ang kilay ko.
"No, Tito. I volunteered to help her."
Tumango-tango ako sa sagot ni Wyatt, bakit mukha ba akong taong walang matinong ginagawa sa buhay? Manggugulo ako ng nanahimik?
"Nagkusa siya, Daddy!" tanggol ko sa sarili. Natawa naman ito at tumango na lang.
"Okay, okay, I understand. Naghahain na ng hapunan sa baba. Wyatt, dito ka na kumain."
"No problem, Tito. Thank you po."
"Sumunod na lang kayo sa baba."
Pumasok na si Dad sa kwarto nila dahil magbibihis daw siya, bumaba na rin siya pagkatapos. Susunod na lang kami mamaya paghanda na ang pagkain.
BINABASA MO ANG
Trophy of the Sunsets | Tonjuarez Series II
Romance[UNEDITED] Eanah Devon Inieno was contented with her peaceful life, she is independent and fearless. Not until the person she least expected entered her life. But the question is, can she handle it? Or just like the sunset that fades the day light...
