Part 1: Sick

72 4 1
                                    

7:03 AM. Nakatingin ang lahat sa wall clock. Everyone's wondering where is Jana Ramos. Hinding-hindi nale-late ang captain nila so this is very unusual for them. 

"Good morning girls! What's up? Bakit hindi pa kayo nag wa-warm up?", bati ni Coach mula sa likuran.

"Good morning coach!", they greeted back.

"Coach, wala pa si Kap eh", Myka said.

"Ah, nagpaalam sakin yung daddy nya. She can't make it today, she's sick", Coach answered.

"Hala! Ngayon lang umabsent sa practice si Kap, sobrang lala siguro ng sakit", Tomas commented.

"Anyway, tuloy pa din ang practice natin, malapit na ang semi-finals. She promised na bukas andito na siya. Kaya, let's go Angels, warm up na!"

The girls proceeded to do their warm-up exercises.

"By the way, Ace won't make it too, may importanteng aasikasuhin", habol pa ni Coach.

Hapon na ng matapos ang practice. They were all spent and ready to end the day.

"Great job today girls! Oh siya, magpahinga na kayo and tomorrow let's meet again at 7AM sharp. Half-day lang kasi Sunday.", paalam ni Coach.

"Bye Coach! See you tomorrow! Ingat po!" they waived.

"Guys, puntahan kaya natin si Kap. Nakakapanibago kasi. Di naman yun umabsent ever. Remember nung may pilay siya, pumasok pa din. Nag-aalala ako", Colet said.

"Sus, gusto mo lang makichismis kung bakit siya wala eh", Patty commented.

"Gaga, hindi, mangungumusta lang eh", she denied.

"Sige na, tara na na kina Kap. Tapos tambay muna tayo after. Tinatamad pa ako umuwi",  Colet added.

"Sure kayo ha, pag si Kap nagalit, si Colet ang promotor, agree?", sabi ni Tomas.

"Agree!", sigaw ng lahat.

*****

"Good afternoon po tito. We heard na may sakit po si Jana. Dadalawin lang po sana namin siya", salubong nila kay Mr. Ramos na saktong palabas ng bahay.

"Good afternoon din mga iha. Pasok kayo, andyan sila. Makikisuyo na lang na pakisara ng gate pagpasok ninyo, may bibilhin lang ako sa mall", saad ng Daddy ni Jana.

Nagkatinginan ang magkakaibigan at sabay sabay na napakunot ang noo. Silently wondering who is the "sila" na tinutukoy ng tatay ni Jana, naglakad sila patungo sa sala. And there was a scene so shockingly unreal. Literal na napanganga ang lahat.

Ace was sitting on the sofa with a pillow on her lap. Nothing unusual there right? But no, the great Jana "badtrip lagi kay Ace" Ramos was peacefully sleeping with her head over the pillow on Ace's lap. Nilalaro pa ni Ace and buhok ni Jana while softly humming a song. Lahat ay nagulat at di alam ang gagawin. Kelan pa to? Kala ko ba magka away sila? Sila ba? Hindi na napigilan ni Colet, at di sinasadyang nabitawan ang bag sa sahig. The sudden sound caught Ace's attention at itinaas nya ang ulo kung saan nagmula ang tunog.

Nanlaki ang mata niya ng makita ang mga teammates si harapan. Sisigaw na sana si Myka ngunit mabilis itong pinigilan ni Ace by making a shush gesture with her mouth and hand.

"Anong ginagawa niyo dito?", pabulong nyang tanong.

"Ikaw, anong ginagawa mo dito?", pabulong din na balik ni Patty.

"At bakit nakaganyan si Kap sayo? Kelan pa yan? Bakit di ninyo sinabi samin?", akusa ni Tomas.

"Jana's decision guys, 3 months na", Ace shyly admitted.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 30, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sick: Rookie AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon