Please expect slow updates. Completed on VIP Group, Spaces, and Patreon. For early access, you may subscribe on my VIP Group or on Patreon.
—
Chapter 28
Mabigat ang dibdib ko nang makita ang matayog na gate ng university namin. That only means vacation in Argao is really over. Alam ko na mabilis lang ang araw at sa weekends, nandoon na ulit ako.
I'll surely miss the quiet surroundings, the farm animals and their noses every morning as if they're trying to wake me up.
Iyong luto ni Manang Rowena at kulitan ng mga kasambahay. Pero higit sa lahat, hahanap-hanapin ko ang presensya ni Duke.
It made me somehow regret that I should have accepted his offer of studying near there but I know... I made the right decision.
Nilingon ko si Duke matapos huminto ang kotse niya sa tapat ng gate. Ngumuso ako dahil ngayon pa lang ay para na akong nangungulila sa kaniya.
"Don't look at me like that..." he said without giving me a glance. "I gave you a choice."
Natawa ako dahil halata sa ekspresyon ng mukha niya na naaasar siya.
"Dalawang taon na lang naman at matatapos na ako. After no'n, puwede na tayong mag-live in."
Nilingon niya ako, naniningkit ang mga mata.
"Wedding before living together, brat."
I giggled. Nakakatuwang kahit matapos may mangyari sa amin, kasal pa rin ang nasa isip niya na para bang iyon talaga ang plano na meron siya.
I thought everything might change after something happened to us. Madalas sa mga lalaki, kapag nakuha na ang gusto, mag-iiba na lang bigla.
Duke just made me realize that he isn't that kind of man. Maaaring noong una... sa iba... hindi sa akin.
"Okay. Madali naman akong kausap." matamis ang ngiting sabi ko.
He bore his hawkish eyes ahead. Halata pa rin ang bigat at dilim sa ekspresyon ng mukha niya.
"Are you mad?" I asked despite the smile on my lips. "Kanina ka pa parang iritado."
He heaved a deep sigh. Sa ganoong galaw niya pa lang ay para niya ng kinukumpirma ang hinala ko.
Tamad niyang hinawakan ang manibela. Bahagyang tumatagos ang sikat ng araw sa harapan namin at siyang tumatama sa kamay niya.
Kahit ang mga ugat sa kamay niya ay nakakahumaling tingnan. Nothing in his physical features doesn't look attractive. Ultimo mga kuko, maganda at palaging malinis.
"Just starting to long for your presence..." he chuckled dryly. "How is it even possible when I still have you here with me?"
I suddenly fell silent. Kahit naman ako na kasama siya ngayon ay nakakaramdam rin ng ganoon. Para bang hindi na ako sanay. But then I know this is just a phase. Kailangan ko lang ulit sanayin ang sarili ko na madalang na siya nakikita.
"Hindi ka nag-iisa..." nakangiting sabi ko at inabot ang kamay niya. "But thanks for travelling so early just to drive me here. I appreciate it."
Nung isang araw niya lang ako pinakawalan para makauwi sa bahay. Nung nag-enroll ako, kasama ko rin siya kaya naman agaw atensyon kami sa university. Women were ogling at him. What surprised me was he knew some of the senior guys here.
Bumuntonghininga siya at muli akong nilingon.
"I'll pick you up after class. You forgot to send me your schedule."