Wag kang maingay

85 2 0
                                                  

*McDo*

"Welcome to McDo ma'am, what's their order?"

Anong oras na? Dapat maka-uwi ako ng maaga.

"Dito na lang po tayo sa side para hintayin yung order." I said with a wide smile in my face.

*Time check 7:00pm*

"Kuya Juls! Una na ko!" Paalam ko sa isa sa mga co-worker ko.

"Wag! Bata ka pa! De joke lang! Sige!" Sabay thumbs up at tawa.

Kuya Juls talaga loko! Nagmamadali akong lumabas. Sana 7:30 makarating ako dun. Pero bago ako pumunta ng bahay ni tita. Dumaan muna ako sa stall ng mister donut. Bumili ako ng dalawang chocolate doughnut. After kong makabili, pumara ako ng jeep. Maya-maya nakarating din ako. Kaso, 7:45 nga lang.

Pagpasok ko sa loob bumungad agad sakin ang sermon ng tita ko.

Hay... here we go again.

"Vita ano? Wala ka na ba talagang makuhang ibang hotel?" Di ako kumibo.

Hay nako! Nung isang araw nya pa tinatanong sakin to aa. Di ba sya nagsasawa? Para syang sirang plaka sa kaka-ulit.

"Bakit kasi duon pa sa pangit na hotel na yun ka pa tumuloy? E mukhang sayang lang naman ang binabayad mo. 900 nga pero parang di naman hotel. Hotel bang matatawag yun?"

Aysos!!! Sa katunayan nga pinaka-mura na sa lahat ng hotel yun e. San ka makakakita hotel pero 900 lang ang upa? Saka yun lang kaya ng BUDGET ko no.

"E kung yung ikina-dadada nyo tita e pinang-bigay nyo na ng pera sakin? Edi naka-tulong na kayo sakin? May nagawa pa sana kayo."
"Aba't bahala ka na nga sa buhay mo. Ako'y nagpapa-alala lang."

Yun na nga e buti kasi sana kung may naitutulong. E pare-parehas lang naman silang hanggang salita lang.

Dahil alam kong wala ng patutunguhan 'tong usapan na 'to. Dumiretso na lang ako sa kapatid ko. Kimamusta sya at maya-maya'y napag-desisyunan ko ng umalis. Nakarating naman ako sa hotel ng 8:30pm.

Tulad ng dati madilim ang pasilyo at tanging pader lang may ilaw. Partida, dim light pa. Ang pader ganun pa rin, nangingitim. Ang dami ring nakadikit at nakalaylay na mga sapot. May naririnig akong tunog na mula sa walkie talkie. Tulad nung sa mga pulis. Ganun. But I just chose to ignore it. Isang bes ko lang naman narinig yun, di na umulit. Kaya di ko na pinansin. Pumunta ako sa reception area para kunin ang susi ng apartment ko. Wow! Dark ang paligid huh... I like it!!! Paglapit ko agad akong nagtanong kaso...

"Sshhh!!!"

Sabi nung matandang babae. Napahinto ako may inabot naman siyang white board at pentel. May nakasulat na 'DITO MO SABIHIN'.

Owkey ang weird... ngayon lang ako nakaranas ng ganito sa hotel. Ang weird kasi bakit bawal mag-ingay??? Naalala ko sinabi na pala nila sakin ang tungkol sa 'BAWAL MAG-INGAY' thingy. Kasama yun sa di-niscuss nila sakin before ko kunin yung room. Ilang beses pa nga nila akong tinanong kung kaya ko daw na hindi mag-ingay. Since kelangan ko ng matitirhan um-oo na lang ako. Saka kahapon kasi at nung unang araw na lumipat ako dito hindi naman sila ganito ka-weird. No choice ako kaya nagsulat ako. Nilagay ko ay 'yung susi ko po?' Binigay nya naman sakin ang susi ko. Sa room 366 ako e.

 Sa room 366 ako e

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin. Upang magpatuloy sa paglalathala, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
'Wag Kang MaingayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon