Chapter 3: Start

18 2 0
                                        

Margaux

Maaga akong pumasok sa school at sa kasamaang palad, nakita ko agad si Habagat.

"Hi Margaux" masiglang bati nya sakin.

Well wala akong ganang makipagplastikan sakanya.Kaya hinayaan ko nalang siya.

"Oy.Pumayag kana kasi." pagpilit niya.

"Ayoko nga. Walang kwenta naman yang plano mo" walang gana kong sagot sakanya

"Magiging exciting kaya yun.Mapapasaya natin sila.diba?" sagot niya sakin tsaka ngumiti ng wagas.

Bigla naming nakita yung kaklase naming si Hermie.

"Hi Hermie!" sigaw ni Trystan kay Hermie.

"Yieee magkasama sila!"pag aasar ni Hermie.

Umirap lang ako.

Nagulat ako nung biglang hinawakan ni Trystan yung kamay ko tsaka niya tinaas.

Napakunot yung noo ko tsaka ko siya tinignan ng masama.

Binigyan niya naman ako ng *just-go-with-the-flow* look.

"Hehehe." tumawa ako ng pilit tsaka ngumiti.

"Kayo naaa?" halos pasigaw na sagot  ni Hermie.

Sasagot pa lang ako pero inunahan ako ni Trystan

"Yup.Kanina lang." sabay ngisi ni Trystan.
L@@
Maya maya nakarating na kami sa room namin.
Napansin ko na nakahawak parin siya sa kamay ko.

"Pwede mo na bitawan"naiirita kong sabi.

Bigla niyang binitawan yung kamay ko.

"Sorry." sagot niya.

Bat parang namula siya.

"Oy namumula ka.May sakit kaba?" sabi ko tsaka ko hinawakan yung noo niya.

"Wala akong sakit. Sige na umupo kana sa upuan mo." tsaka siya umiwas ng tingin

Buong araw niya kong hindi pinansin.
Siguro nga may sakit siya.

Don't let me goWhere stories live. Discover now