About the plot of the story

33.9K 282 6

About the plot of the story.

Nasa kuwarto ako noon at nag- iisip kung anong puwedeng pagka- abalahan. Bukas ang tv sa sala. May nanonood noon ng balita when I heard about a girl selling her virginity. I don't remember kung anong nationality nung babae.

Simula nung marinig ko 'yung balitang 'yun, napaisip na ako. May ganun pala talagang babae but we have to respect her dahil hindi naman natin alam ang rason niya kung bakit niya ginawa 'yun o kung ano man ang pinagdadaanan niya.

Iba- iba kasi ang pananaw ng tao. Kung ako ang tatanungin, syempre ang sagwa kung iisipin pero wala naman tayong karapatang manghusga lalo sa taong hindi naman natin kilala.

At dahil nga sa news na 'yun, nagawa ko ang story na 'to.

Alam kong hindi naman maiiwasang may pagkakatulad ito sa ibang istoryang nabasa o napanood niyo na kasi sa buong mundo, imposible talagang wala. Lahat naman ng istoryang nababasa at napapanood natin ay may katulad, kung hindi ka naniniwala, sabi nga ng isa sa mga hinahangaan kong author, sinubukan mo na bang basahin o panoorin lahat ng istorya dito sa mundo? Tama nga naman kaya hindi talaga maiiwasang may makatulad, right?

At isa pa, sa mga nagsasabing hindi makatotohanan ang istorya, isa lang po ang masasabi ko, hindi po ito base sa totoong buhay. Kathang isip ko lamang po ito at may karapatan naman po siguro akong gawin kung ano ang gusto kong mangyari sa mga karakter ng story, hindi po ba? :)

Sasamantalahin ko na rin po ang pagkakataong ito para pasalamatan ang mga readers na patuloy pa rin na nagbabasa ng mga stories ko. Salamat sa tiyagang maghintay ng updates :)

Thank you talaga sa inyo kasi nagbasa ako ng mga comments, ang sarap sa pakiramdam. At isa pa, salamat dahil  #2 ang highest rank na natamo ng story na 'to sa what's hot ng General fiction, wow salamat talaga sa inyo! : )

Abangan niyo po sana ang mga susunod kong stories.

Salamat :)

THE ONE NIGHT NEGOTIATIONBasahin ang storyang ito ng LIBRE!