Happy? Proud?

Pero walang ibang ginawa ang parents n'ya kundi ang i-criticize siya habang lumalaki siya.

"Lage kang Top 1 sa mga klase mo. Sobrang saya namin," pagpapatuloy ni Kenia. "Kaya lage ka naming ini-encourage na gawin ang mga bagay na mahal mo para maging masaya ka rin."

Naikuyom ni Kam ang kanyang mga kamao.

Masaya? Siya? Pero hindi 'yun ang ginawa ng kanyang mga magulang! All they did was pressured and punished her! Her childhood was miserable!

"At dahil sobrang yaman na natin, gumawa kami ng maraming charitable foundations. Tumulong kami sa mga kababayan natin. Lahat ng mga gusto mong tulungan, ginawan namin ng foundation."

No! Her parents did a lot of awful things to their countrymen. Ninakaw ng parents n'ya ang kayamanan ng maraming pamilya sa continent nila. Kaya sila yumaman nang husto.

Kaya halos lahat ng mga kababayan nila ay galit at takot sa kanila. Dahil balita kung gaano kasama ang ugali ng kanyang mga magulang. How evil they were.

Pero...

"That's not the truth," putol ni Kam sa sinasabi ng ina at gulat itong napasinghap.

"What?"

"What are you talking about, Kam?" tanong ni Darrick.

"You are not good people. All my life, nakita ko kung gaano kayo kasama. I even experienced it. You tortured me for having a hard time at school..." nanginginig ang boses niya dahil sa nagbabadyang mga luha.

She didn't want to hurt her parents. They already suffered enough. Pero kailangang marining ng mga ito ang katotohanan.

Napasinghap ang kanyang mga magulang.

"Kamdyn, what are you talking about? Don't make your mother sad."

"Dad, I am telling you the truth. You are not good people. Ninakaw ninyo ang mga lupain at ari-arian ng libu-libong mga mamamayan ng Chilakest. You hurt people when they fight back. You called me a failure all my life. You didn't do anything good to anyone," aniyang nagsimula nang maiyak.

She closed her eyes. She could hear the painful words while growing up. She could feel the sting of every slap.

"A minus? Ano'ng klaseng utak meron ka? Bakit napakabobo mo?"

Sinundan iyun ng malakas na sampal na halos ay nagpabingi sa dalaga. Her father was so good at raising his hand on her.

"Halika rito! Wala ka talagang kwenta! Wala kang ibang ginawa kundi gamitin ang pera namin at bigyan kami ng kahihiyan," sabi naman ng ina niya sabay hila sa buhok niya.

"Mom! Stop!" a seven-year-old Kamdyn screamed in pain, but her mother didn't listen. She was thrown inside an empty room. Again.

"Pag-isipan mo lahat ng pagkakamali mo! Sana sa susunod na linggo, magtanda ka na!" anang ama niya saka nito isinara ang bakal na pinto.

"Daddy! Mommy! Buksan n'yo itong pinto. Maawa na po kayo," humahagulhol na pagmamakaawa ng batang Kamdyn.

Pero tila walang narinig ang kanyang mga magulang.

Isang linggo siyang nanatili sa silid na 'yun. Walang pagkain, walang tubig, walang kama, walang banyo.

Masagana ang mga luha ni Kam nang bumalik siya sa kasalukuyan.

She definitely didn't want to hurt her parents like this. Halata naman kasing biktima ang mga ito ng control potion ni Kray Hayes.

But they needed to know the truth. They needed to know that they were living a lie.

Blood Menaceजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें