TOTS 10

3K 65 8
                                    

Chapter 10

Sabay na kaming lumabas at pumunta sa field, narating na namin doon ang mga kaklase namin at naghahanda na para sa laro. Sa likod ko ay ramdam ko pa rin ang pagsunod ni Wyatt, pero nang makita niya na sila Pio ay tumabi na rin sa kanila.

Nakahinga ako ng maluwag. Baka hindi ko na kayanin ang titig sa akin ng mga tao kung hindi pa siya lalayo.

Tumabi na ako kay Gabi. "Saan ka galing? Late ka?" bungad niya. Tumango ako sa kanya.

"Bakit sabay kayo ni Wyatt? Late rin siya o inantay ka niya?" mangiti-ngiti niyang tanong.

Nginisian ko siya. "Inantay niya ako, pero ayaw niya aminin." mayabang kong sagot.

Nanlaki ang mata nito at napasinghap. "Seryoso?!" hindi makapaniwala ang loko.

"Biro lang, 'yan naman ang gusto mong marinig 'di ba? Pinagbigyan lang kita." sagot ko sa kanya at ibinaba ang mata sa sapatos na suot. Medyo malaki, pero mahigpit ang pagkakatali ni Wyatt at komportable rin gamitin.

"Paasa naman 'to!" reklamo niya at hinampas ang braso ko.

Napangiwi ako sakany. "Ang brutal mo." sita ko sa kanya.

"Attention! Balik na kayo sa dati niyong grupo!" lumapit na si Sir Febian dala-dala ang records namin.

Football ang laro namin, at nahahati kami sa dalawang grupo. Pero eleven players lang, bawat grupo tapos ay magpapalit naman. Sana lang ang hindi ako mapili agad!

"Alis na 'ko." paalam ni Gabi at pumunta na sa kabilang grupo.

Nagtatawag na si Sir ng mga maglalaro sa field, sa kabilang grupo ay natawag na sila Dan at Wyatt at ang iba pa naming mga kaklase.

"Tonjuarez!" malalim ang mga iniisip ko kaya hindi ko alintana ang tawag ni Sir. "Tonjuarez!" sigaw pa nito.

Doon ko lang napansin na sa akin pala siya nakatingin, nang mapagtanto ko kung bakit ay mabilis kong inilagay ang buhok sa likod ko para matago iyon.

Tonjuarez nga pala ang nakalagay sa likod ng uniform na suot ko!

Nagtinginan ang iba kong mga kaklase, ramdam ko rin pati ang pagtitig ni Wyatt sa banda ko. Biglang kumabog ang puso ko.

"I-Inieno po!" pagtama ko at itinaas ang kamay.

"O, Inieno pala. Pasok ka!" itinuro ni Sir ang field.

"O-Opo!" kahit wala sa sarili ay tumango ako at pumasok sa loob ng linya.

Parang sasabog ang pisngi ko sa sobrang init! Halos hindi ako makatingin ng maayos at iniyuko ang ulo.

Sinubukan kong umayos ng tayo at nagtama ang mata namin ni Wyatt, sumisilay ang ngiti sa labi nito at parang pinipigilan ang matawa, namumula ang pisngi niya. Tinaasan ko siya ng kilay. Tawang-tawa ka ha?

Doon nagsimulang malaman ng tao na magkaibigan kami, na malapit kami sa isa't-isa. Laking pasasalamat ko na hanggang doon lang ang naisip nila at wala ng iba pa.

Ang takot ko na baka pagbaraan nila akong gusto ko si Wyatt ay nawala rin sa isipan ko. Mabuti naman at walang ibang nangyari. Hindi siguro nila iisipin, na kami ni Wyatt o magkakagusto siya saakin, kaya hindi na sila nagduda.

Mas gusto ko 'yon! Gusto ko lang ng tahimik ng buhay, kaya pabor ito sa akin!

Sumipsip ako sa aking iced latte habang nakikinig sa kwentuhan nila. Walang buhay kong tinignan ang aking cellphone, wala kahit na anong message.

Ngumuso ako. Year end na at mas lalong busy ang student officers ngayon. Kaya malamang, wala rin oras si Wyatt at baka hanggang ngayon nasa school pa. Hindi tuloy siya sumama sa hangout namin ngayon.

Trophy of the Sunsets (Tonjuarez Series II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon