Monster ♂ Chapter 47

Saturn's POV

Kung kailan naman gusto ko nang makausap si Chloe ay tsaka naman hindi ko siya mahagilap. Napag-isipan ko kasing hindi dapat ako sumuko. Marami na kaming pinagdaanan na problema kaya naman hindi ko hahayaan na matapos ang kung ano mang meron sa amin. Kaya ngayon ay hinahanap ko siya para makausap ko na siya ulit. Hindi ko siya ma-contact, eh. Sabi naman ni Rick sa akin na hindi niya alam kung nasaan si Chloe. Sa kanya ako unang nagtanong dahil akala ko ay magkasama sila.

Nasaan na ba kasi ang babaeng ‘yun? Hindi rin naman niya kasama ‘yung anak—‘yung bata. Lintik, maisip ko pa lang na anak ni Chloe ang batang iyon ay sumasakit na naman ang dibdib ko.

Sumakay na ako sa kotse pagkagaling ko sa mall. Nagbaka sakali kasi akong nandoon siya pero hindi ko naman siya nakita. Wala na akong maisip na lugar kung saan siya. Wala naman akong mapagtanungang matino kung nasaan siya dahil panay ang sagot nilang hindi nila alam.

Tumunog ang cellphone ko at tiningnan ko kung sino ang tumatawag. Nag-flash sa screen ang pangalan ni Kuya Justin. Medyo hindi pa rin ako komportable sa pagtawag sa kanila ng Kuya pero unti-unti na naman akong nasasanay at isa pa, mabait naman sila sa akin. Pakiramdam ko nga ay masyado nila akong inii-spoil.

"Hello, Kuya?"

[Let's meet up.]

"Why?"

[We need to talk. It’s very important.]

Nagtaka naman ako dahil sobrang seryoso ng tono ng boses niya. “Oh, sure. Pero ngayon na ba? Eh, kasi hinahanap ko pa si—“

[No, we should talk now.] seryoso pa ring sabi niya.

Minsan nagda-doubt na akong siya ang pangatlo sa aming magkakapatid, eh. He sounds like he’s the eldest. Mas mature pa ang utak niya kaysa kina Kuya Harris at Kuya Steff. Kapag ganito siya kaseryoso, parang siya ang panganay sa aming apat.

"Okay, I'm coming. Nasan ka ba?"

[In Infinity Garden. Malapit lang din ito sa bahay natin kaya hindi ka mahihirapang makapunta dito.]

“Ah, right. Alam ko kung saan ‘yan. See you.”

Ano naman kaya ang importanteng pag-uusapan namin ni Kuya? Wala naman akong maisip. Hindi pa naman kami nag-uusap ng seryoso. Panay lokohan lang at pangtitrip ang palagi naming napapag-usapan.

Mabilis akong nakarating sa lugar na sinabi ni Kuya. Ipinarada ko na ang kotse ko at kaagad na bumaba. Malawak ang garden na ito. Sa sobrang lawak, paano ko hahanapin si Kuya? Ang garden kasi na ito ay isang maze. Para siyang labyrinth.

Sinibukan ko siyang tawagan pero hindi na niya sinasagot. Wala na akong nagawa kundi ang lumapit sa entrance ng maze. Napansin ko namang may nakadikit na papel dito.

Use your mind and heart to find the middle part of the maze and you'll know the answer to all of your questions.

Muli kong binasa ang nakalagay sa papel. Ano namang pakulo ‘to? Kailangan ko munang paghirapan lahat para lang makapunta sa gitna ng maze?

Nacurious na din ako kaya naman pumasok na ako sa loob ng maze. Noong una ay maayos naman akong nakakadaan sa maze dahil madali kong nahahanap ang tamang daan pero habang palayo ako ng palayo ay madalas sa dead end na ako napupunta. Pang-apat na beses ko na ‘to at hindi pa rin ako makausad. Dang it.

“Who the hell made this goddamn maze anyway?” I muttered to myself.

Napapagod na ako sa kakalakad. Buti na lang ay malamig dahil gabi na kundi baka tagaktak na ang pawis ko.

He's a MonsterBasahin ang storyang ito ng LIBRE!