TOTS 9

28.8K 516 130
                                        

nine

"Wyatt! Wyatt!"

"Go! Tonjuarez! Sure ball na 'yan!"

"Candidate no. 4! Fighting!"

'Yan ang narating ko pagpasok ko ng hall, kung saan ginaganap ngayon ang Mr. and Ms. Monroane pageant. Medyo na-late pa ako dahil naipit ako sa traffic, at muntik ko pa ngang naiwan ang mga dadalhin ko.

Punuan dito ngayon kaya nahirapan din akong maghanap ng pwesto. Gusto ko sana sa medyo harap, para kita niya ang gawa ko. Kaso ay siksikan na talaga ang mga tao.

Sabay-sabay ang hiyawan ng mga nanonood. Pero ang pinakamaingay ay ang pangalan ni Wyatt. Imbis na umupo ako sa monoblock, ay umakyat ako roon at doon tumayo. Nakatayo rin naman ang ibang nanonoood, at kapag hindi ako umakyat ay hindi niya makikita ang ginawa ko.

Nang makapwesto ako ay inilabas ko na sa tote bag ang dalang banner. Hinawakan ko ang dulo noon at hinayaan ito umunat mag-isa. Itinaas ko iyon at halos matakpan na ang mukha ko. Kagabi ko lang ito pinaint. Kaya napuyat din ako dahil pinatuyo ko pa. At ito rin ang dahilan kung bakit ako na-late kanina ng gising.


"Walang nagpapatalong Tonjuarez! Ipakita mo kung sino ka!"

-Wyattloversclub

'Yan ang nakalagay sa banner. Itinaas ko pa iyon para makita niya. Nakatayo ang mga ang contestants sa stage ngayon at nag-aantay na ng Q&A. Tiningnan ko si Wyatt at parang hindi mapakali ang mata niya. Parang gusto niya nang umuwi. Parang wala rito ang isip niya.

Inilibot nito ang mata niya. Nang makita kong palingon na siya sa pwesto ko ay itinaas ko ang banner. Ilang segundo ay ibinaba ko rin iyon, at nahuli ko siyang binabasa ang nakasulat.

Unti-unti kong ibinaba ang banner para makita ang mukha ko. And when he saw me, our gaze locked. When he realized it was me holding the big banner, a smile crept on his lips. I mirrored his smile and waved at him.

Lumiwanag ang mukha nito at tumango sa akin. I even mouthed 'fighting'.

Mas lalong lumakas ang hiwayan nang mag-announce na simula na ang Q&A. Hindi ko tuloy alam kung kinakabahan ba ako o excited. Dahil alam ko namang mani-mani lang ni Wyatt 'tong Q&A. Pagdating sa labanan ng utak, wala na yatang lalamang diyan.

"We'll now proceed to our question and answer portion! Are you all excited?!" hiyaw ng host sa stage. Mas umingay naman ang mga tao.

"Mukhang ready na ang lahat! For our first question and answer contender, hahayaan natin ang wheel of furtune ang magde-decide!"

Ipinaikot na ng host ang wheel of furtune na may mga pangalan ng contestants. Halos matigil ang tibok ng puso ko nang bumagal ang ikot no'n at tatapat na sa pangalan ni Wyatt.

Lahat ng tao ang hindi matigil sa kasisigaw, at nang huminto na iyon at tuluyan nang tumapat sa pangalan ni Wyatt ay dumadugdong na ang buong hall. Ako iyong kinakabahan at hindi mapakali, pero si Wyatt ay walang kahit anong bakas ng kaba. Ako 'yong nape-pressure sa kanya!

Lumakad na ito sa harap at tumabi sa host na may hawak ng tanong ngayon.

"Candidate no. 4. Are you ready?"

Itinapat ng MC ang mic sa kanya. "Yes."

Naghiyawan muli ang mga tao, isang salita lang iyon parang magwawala na ang mga nanonood!

Trophy of the Sunsets | Tonjuarez Series IIMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon