Chapter Seventeen

NAOMI.

"Mika sure kang wala ka ng naiwan na gamit ha?" tanong ni Kuya Myco sa akin habang ibinababa niya ang maleta ko mula sa compartment ng sasakyan.

Ito na ang araw ng punta namin sa Palawan at si Kuya Myco ang may mabuting loob na naghatid sa akin dito sa airport.

"Yes Kuya Myco! Hindi lang basta double check ang ginawa ko, triple check pa."

"Nag dala ka ba diyan ng sapat na underwear? Baka mamaya side A side B gawin mo," pangaasar niya.

"Kuya nakakadiri ka alam mo yun?"

"'To naman, nagpapaalala lang! Yung boarding pass mo dala mo?"

"Yes! Eto na!" sabi ko sa kanya at ipinakita ko ang boarding pass.

"Buti naman! Ingat ka bunso, uwian mo ko ng kasuy ah? Tsaka ng pawikan!"

"Sige kuya, basta ba makakauwi ako ng hindi nakukulong pag nag puslit ako ng pawikan dito."

"Basta magiingat ka. Mag text ka," paalala niya.

Ginulo ni kuya Myco ang buhok ko, matapos ay pumasok na siya sa loob ng kotse at umalis. Agad akong pumasok sa loob ng airport at nag check in. After nun, dumiretso na ako sa waiting area kung saan kami maghihintay ng flight namin.

Tumingin-tingin ako sa paligid para hanapin ang mga kasama ko kaso mukhang ako pa lang ata ang nandito. Kung sabagay, masyado pang maaga. Two hours pa before our scheduled flight. Masyado lang kaming natakot ni Kuya Myco sa traffic kaya maaga kaming umalis.

Naupo ako sa isa sa mga bench doon at naisipan ko munang maglaro ng PSP habang nakikinig ng music. My playlist is in shuffle mode.

I don't know what it is that you've done to me

But it's caused me to act in such a crazy way

Natigilan ako nang mag play ang kanta na 'yun. Bigla akong na-distract sa nilalaro ko at na game over ako.

Whatever it is that you do when you do what you're doing

It's a feeling that I want to stay

Ang galing naman talagang tumiming ng pagkakataon. Hindi ko pa nga pala nabubura sa playlist ko ang Weak ni Jojo. At talagang ang ganda ng pasok nito ha? Parang nangaasar, eh. Ipinaalala sa akin ang parang date pero hindi namin ni Drew sa mall. Yung time na kinantahan ko siya nito.

Saya saya.

'Cuz my heart starts beating triple time

With thoughts of lovin' you on my mind

I can't figure out just what to do

When the cause and cure is you, you

Pero kesa ilipat ko ang kanta, I found my self singing along.

I get so weak in the knees

I can hardly speak, I lose all control

Then somethin' takes over me

In a daze, your love's so amazing

It's not a phase

I want you to stay with me, by my side

I swallow my pride

Your love is so sweet, it knocks me right off of my feet

Can't explain why your lovin' makes me weak

Operation: Break the Casanova's Heart (Editing)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!