Does he still care for me?

841 9 2
                                    

There are lot of factors why there are times you are asking if he still cares for you.

There are a lot of signs showing that he doesn't care anymore, and it makes you feel that he doesn't love you anymore.

We, girls have a lots of kaartehan, right? Yung tipong hindi lang mareplyan ng I love you too, gagawing big deal na. Magtatampo-tampuhan sabay mag-iinarte at pagmumulan ng away. Yun bang hindi lang masamahan kasi busy si bf, mahe-hurt na kasi wala na daw time sa kanya. Worse, iko-compare pa sa time na binibigay sa tropa. Kesyo, "Buti pa sa tropa mo may time ka, saken wala!". Madalas pa nga wala lang ang reason bakit tayo naiinis sa boyfriend natin diba? Yun bang wala lang trip ko lang mainis sa mukha mo. Wala lang, natutuwa lang ako mainis sayo. Wala lang, may PMS lang kasi ako.

Ganyan kababaw ang mga babae.

And those men who understand those childish attitude of girls are the best men. Swerte mo kung makakita ka ng lalaking kahit anong kaartehan meron ka iintindihin ka, uunawain ka, at mamahalin ka pa rin nang buong-buo. At kapag feeling mo nasa kamay mo na ang lalaking iyon, aba inday! Ginto na 'yan, papakawalan mo pa ba?!

But sad news is, hindi lahat ng lalaki ganun kaunawain, merong mga lalaking maiiksi lang ang pisi at mabilis mainis o mapikon sa kababawan ng mga babae. Sila yung tipong "Sige artehan mo ko, maghahanap ako ng iba." O yung mga tipong, "Hindi ko pababain pride ko sayo. Nanay ko nga di uubra saken, ikaw pa ba?"

For short, sila yung mga lalaking hindi pa natatamaan ng true love. Kung gusto mo ng prangkahan, sila yung mga lalaking hindi pa ganun kamahal yung girlfriend nila.

At eto yung mga signs nila...

Kapag nag-away kayo ng boyfriend mo,

1. Hindi siya ang unang magtetext, tatawag at higit sa lahat hihingi ng sorry!
- sinabi ko nga sa taas sila yung tipo ng lalaking hindi iririsk yung pride para lang sa gf nila. Sila yung mga lalaking mas importante pa yung p*nyetang pride kesa sa relasyon nila higit lalo sa girlfriend nila!

2. Hindi ka niya tatanungin kung anong problema kapag tahimik o malungkot ka.
- tayo kasing mga babae gusto pa pinipilit para lang maiparating sa iba kung ano problema natin. Hindi tayo yung diretsahan magsabi ng kinaiinis natin. Hindi kasi natin madiretso si bf ng, "Naiinis ako kasi kasama mo na naman yung pinagseselosan kong babae kanina!", "Bwis*t! Inuna mo na naman computer games kesa saken!", o "Wala ka man lang kahit simpleng surpise sa anniversary natin! Buti pa yung tropa ko, sinurprise ng boyfriend niya!"

It's either hinihintay nating makaramdam sila o nahihiya tayo sa sarili na nating kaartehan.

E ang mga lalaki likas na insensitive. Swerte ka pa pag sinipag yan tanungin ka kung ano problema mo, pero kung hindi... o ni hindi man lang napansin na may iba sa mood mo, aba e alam na.

3. Walang time sayo!
- ito yung as in kahit anong oras ni hindi ka maalala o makamusta man lang. Worse maaalala ka lang pag may problema o kailangan. Aba inday, gising-gising din pag may time. Gayahin mo na ang linya ni Miss Claudine B. Tanungin mo na si boyfriend ng, "Kailangan mo ba ko dahil mahal mo 'ko? O mahal mo lang ako dahil kailangan mo ko?"

Yun lang, be ready ka na lang sa sagot. ;)

At para naman sa next level na boyfriend, yun bang malaki naman ang pagmamahal sa partner at mahaba naman ang pasensya pero sinagad na ni girlfriend.

Eto yung mga signs na putol na ang pisi ng pasensya nila at malapit ng maubos ang pagmamahal nila sa atin.

1. Nagbago na siya
- yun bang dati nagtatanong pa siya kung okay ka lang, kung ano problema, kung bakit ganun na ang takbo ng relasyon niyo? Then ngayon wala ng yung mga katanungan na yun. Deadma na siya sayo. Ni hindi na siya nag-eeffort para makita ka.

Kabahan ka na kung ganito, dahil kung yung unang sign palang, pinapakita na sayo ni bf ibig sabihin malapit na sa dead end ang relasyon ninyo.

2. Iba na ang kislap ng kanyang mga mata sa tuwing tinititigan ka.
- yun bang wala ng spark? Ramdam mo naman yun e. Babae ka, malakas ka makiramdam, mabilis kang kutuban, at higit sa lahat ikaw ang mas higit na nakakakilala sa kanya. Kaya tingin ka na lang sa mata niya, dun palang kasi makikita mo na...malalaman mo na ang sagot.

3. Madalang na ang I love you
- kung dati tadtad ka sa I love you's niya, ngayon madalang pa sa patak ng ulan tuwing el nino. Worse, minsan na nga lang maambunan, hindi pa binuo. Love you nalang, labas pa sa ilong at di mo na ramdam yung feelings. Sakit no?

Kaya ikaw na nagbabasa nito. Babae man o lalaki. Single ka man o may kapartner na sa buhay, tandaan mo ito, matuto ka magpahalaga.

Hangga't andyan, mahalin mo, ingatan mo...wag mong itake for granted. Dahil hindi mo alam kung hanggang kelan siya sayo. Hindi mo hawak ang puso niya at lalong hindi mo kontrolado ang damdamin ng isang tao.

A/N: Para kay niallieforever :)

TIPS & ADVICESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon