"Inuwe mo pa yang pusang yan. Muntik na nga tayo ma bangga eh" Saad nito pag pasok namin sa bahay. Naabutan naman namin sila na nasa sala.

"Eh bakit ba. Kawawa kaya sya."

"Nag aaway ba kayo?" Tanong ni Mama at lumapit sa amin. Habang sina Lola ay naka tingin lang sa amin.

"Eto kasing Jian nato eh" Sumbong ko. Napalaki naman ang mata ni Jian.

"Abat!" Saad nito at tangkang pe-pektusan ako ng mag tago ako sa likod ni mama.

"Jian" Tawag sa kanya ng Mama nya at tinaasan sya ng kilay. Binelat ko naman sya. "Bleah!" Asar ko sa kanya. At tumakbo papuntang kusina. Hinabol naman ako nito. At sila Tita, Tito at Mama naman ay tawa ng tawa.

"Pagalitan. Baho!" Asar ko sa kanya. Habang tumatakbo. "Pahiya ka naman kanina. Kay sino nga yun?" Bara ko sa kanya.

"Kawawa yung muning!" Singit ni Kuya Alejandro. Kaya inabot ko sa kanya. "Pabantay"

"Huli ka." Saad ni sino kaba?kasali ka ba Kuya Clayton? Hinawakan ako nito sa balikat at dahil malaking tao si Kuya Clayton ay hindi ako maka alis hanggang sa pag tulungan na nila ako.

"Ehhh wag na kayo sumali" Saad ko kina Kuya Clayton.

"Ang ingay ingay mo kase. Rinig hanggang banyo" Saad ni Kuya Clayton.

"Apaka daldal eh" Gatong ni Kuya Alejandro.

"Ayan pag tulungan yang bruhilda na yan." Sundot nitong si Jian. Baho. At pinag kiliti ako.

"Tama na yan baka ma untog si Lori." Sigaw ni Tito Vincent.

"Hayaan nyo na muna sila. Ngayon lang nag ka pinsan na babae yan." Masayang ani ni Lola. Kaya pala para akong bola patalbog talbog sa sahig. Hah!

"Suko na ako." Saad ko sa kanila at itinaas ang dalawang kamay. dahil halos ma ihi na ako sa pants ko. Grabe ang tutulis ng kuko.

"Sus iyak ka lang eh" Asar ni Jian. Beh may luha ba?

"May luha ba? Paepal." Saad ko rito. Tumawa naman itong sina Kuya pinsan.

"Hayaan mo na yan si Jian." Sabi ni Kuya Clayton at inakbayan ako papunta kina Lola.

"Lola pinag tulungan ako." Iyak ko kunware kay Lola. "Hayaan mo na sila Kuya mo!" Saad nito tumingin naman ako kina Kuya pinsan. Nag belat sila sa akin. Paepal kayong tatlo 🤬

"Bakit ang panghe mo apo?" Seryosong tanong ni Lola. At inamoy ako. Luh?

"Na ihi na yata sa salawal" Natatawang Saad ni Kuya Alejandro. Natawa naman sila Tita at Mama.

"Sinong humawak sa akin na galing banyo?" Naka busangot kong saad sa tatlo kong pinsan. Tumayo naman si Mama at Lola.

Tumingin naman sila kay Kuya Clayton kaya kinunutan ko sya ng noo.

"Naka limutan kong mag hugas ng kamay hehe" Tinaas nya ang dalawa nyang kamay. Kadiri kaya pala kanina pa lang may naamoy na ako.

"Disgusting" Sabay na sabi ni Kuya Alejandro at Jian.

"Kadiri Kuya Clayton!" Saad ko at hinablot yung muning kay Kuya Alejandro.


Kakatapos lang namin kumain. At sobrang nabusog ako. Parang laging may fiesta dito sa bahay ni Lola. Sabay sabay kami kumakain bawal ang mahuli. Kase ang mahuli ma uubusan. Joke.

At tsaka ang swerte ko kina Kuya pinsan at Kina Tita at Tito. Paano ba naman kase never ko naranasan na itrato ng ganito ng pinsan at mga tita ko. Paano sa side ng Tatay ko panay ako inaapi buti na lang andyan yung Mama at mga friends ko para ipagtanggol ako. Speaking of friends. Na miss ko na yung mga kaibigan ko sa kanto. Si Joni at Agatha, I miss them! Gusto ko sana sila kamustahin kaso wala akong cellphone. Hehe.

I'm Lori, I'm Lori too. Where stories live. Discover now