"Never blame yourself, dahil kahit kailan hindi ka naging mali." sabi ko kay Aria habang nakatingin sa mga mata niya. "Halika na, ihahatid na kita." sabi ko pero hinila niya ang kamay niya sa akin.

"Gerard, I think we should stop this now." yumuko siya bigla.

Kung nag-bibiro siya huwag namang ganito, kasi masakit. Pero alam kong hindi siya nagbibiro. No! Hindi ko kayang mawala pati si Aria sa buhay ko.

"No. Aria, ano ka ba? Mahal mo ako hindi ba? Mahal kita!" natigilan ako nang sandali at naramdaman kong nanginginig na ang luha ko sa mata.

"Baka nga tama sila na wala naman akong magandang maidudulot sa iyo." nagsimula na siyang umiyak.

Pakiramdam ko ay unti-unti akong sinasaksak ng dahan-dahan at paulit-ulit ng kutsilyo sa dibdib.

"No Aria, you are the most perfect girl for me. You are my girl, Aria." sabi ko sa kaniya. Assuring her that no matter what happens, she is the best thing happened to me.

"Gerard, madali iyang sabihin pero iba na sitwasyon natin ngayon. Nahihirapan na akong makita kang hindi masaya at palaging kaaway ang pamilya mo. Hindi ito ang ginusto ko para sa ating dalawa." sabi niya.

"Wag kang makinig sa kanila. I will protect you."

"Gerard hindi mo ako naiintindihan. Oo mahal natin ang isa't isa pero sa tingin ko hanggang dito na lang. Nasa magka-ibang mundo tayo Gerard, pero ngayon tingin ko dapat na tayong bumalik sa sari-sarili nating mundo."

No! Hindi ito pwede. Nangako ako sa sarili ko na ipaglalaban ko si Aria.

"Aria, I love you."niyakap ko siya patalikod nang maglakad siya palayo. Tumigil kami parehas ng ilang segundo sa ganoong posisyon. "Please stay..." bulong ko.

Tinanggal niya ang kamay ko sa kaniyang bewang at nag-lakad palayo.

"Please, let me go." sabi niya at tuluyang lumayo.

"Aria! Aria! Hindi ito pwede. Aria! Wag mo akong iwan! Mahal na mahal kita. Please Aria!"

Hindi ko siya mahabol, para akong na-estatwa sa posisyon ko. Ang sakit! Sobrang sakit! Wala akong nagawa para isalba ang relasyon namin. Bakit kailangan pang umabot kami sa ganito?

Napa-upo ako sa kalsada habang umiiyak. Nakita ko na may malaking truck na paparating. Buo na ang desisyon ko. Tumayo ako at tumapat sa dadaanan ng truck.

"Aria. Mahal na mahal kita." sambit ko at tumulo ang huling luha ko.

"Gerard no!"

Napakinggan kong bumusina ang truck at agad akong hinila ni Kuya Geo sa tabi.

"Bitawan mo ako!" sabi ko habang nagpupumiglas sa pagkakahawak niya sa akin.

"Gerard ano ka ba! Ayusin mo nga iyang buhay mo!" sabi niya sa akin.

"Pabayaan mo ako! Buhay ko ito at walang makakapigil sa akin!" tumayo ako pero agad akong sinuntok ni Kuya Geo.

"Gerard! Wala na ka ng magagawa. Tanggapin mo na'ng wala na si Aria." sabi niya sa akin at sinuntok niya ulit ako sa mukha.

Gumanti ako hanggang sa mag-suntukan na kami sa harapan ng ospital. Para akong namanhid sa bawat suntok ni Kuya Geo. Hindi ako nasasaktan dahil mas masakit ang nararamdaman ko ngayon sa pag-iwan sa akin ni Aria.

"Geo! Gerard! Tumigil na kayo! Ano ba? Para kayong mga bata na nag-aaway sa kalye! Pumasok kayo sa kotse!"

Napatigil kami sa sigaw ni Ate Gaile at ng paluin niya kami ng kahoy. Agad naman kaming pumasok sa kotse bago pa niya kami paluin ulit.

"Look at you two! Ikaw Geo, parang hindi ka principal ah at ikaw naman Gerard ano nanamang gagaguhan nyang ginagawa mo? Magpapakamatay ka ng dahil lang iniwan ka ni Aria?"

"Iniwan ako ni Aria dahil sa lintik na hayop na fixed marriage na yan!"

"Sa tingin mo ba magiging masaya si Aria na malaman kang patay na? Gerard isipin mo yun! Mahal ka ni Aria! Mahal na mahal kaya ka biya iniwan. Isinakripisyo niya ang relasyon nyo para sa pamilya natin." paliwanag ni Ate Gaile

"Pero hindi ako naiintindihan ni Aria! Kaya ko naman siyang ipaglaban. Hindi namin kailangan mag-break!"

"Bakit siya ba iniintindi mo? Naiintindihan mo ba'ng sobra na siyang nasaktan nang i-announce ni Mama ang engagement ninyo ni Cassandra? Oo. Naandoon siya at napakinggan niya lahat. Dapat nga mahiya ka pa sa kanya dahil pamilya natin ang nag bigay ng pasakit sa buhay nya kaya wag mong sabihin na hindi ka nya naiintindihan dahil kahit kailan hindi mo sya inintindi!"

The Five Bad Boys and IWhere stories live. Discover now