XXXIV - She

84 11 0
                                    


"Echo." Sabi ni Dawn.

"Bakit?"

"Mukhang wala ka na naman sa sarili mo. Ano bang iniisip mo?" Napansin niyang nakatulala lang ako.

Ngintian ko siya tsaka ko sinabing,

"Ikaw."

"Ha?" Bigla na lang namula si Dawn. Kaamo talaga ng mukha niya.

"Wala biro lang."

"Biro, ikaw ha, nagiging Luca ka na."

"Haha, bakit si Luca lang ba ang pwedeng magbiro?"

"Hindi naman. Hihintayin mo si Gaby?" Tanong niya.

"Oo eh, gusto mo bang ihatid na kita?"

"Hmm mamaya na lang siguro, gusto ko pang makasama kayo."

"Okey? Pero pano yung sundo mo?"

"Hayaan mo sila, makakapaghintay naman sila."

"Sigurado ka?"

"Parang ayaw mo naman, sige uuwi na lang ako." Parang bata siyang nagtampo.

"Hindi, sige dito ka muna." Bakit sinusuyo ko siya?

"Talaga?" Ngiti niyang sinabi.

"Oo."

Pagkatapos naming lumabas ng silid ay saktong uwiian na rin ng ibang mga klase, ilang minuto lang ay nakita na rin namin si Gaby.

"Uwi na tayo?" Tanong sa akin ni Gaby.

"Ay teka lang may naalala pala ako." Sabi ko.

"Ano naman yun?" Tanong ni Gaby.

"Yung mga hiniram kong libro, isasauli ko na sa silid-aklatan. Huwag niyo na akong hintayin, mabilis lang naman ako. Doon na lang tayo sa labas magkita. Mabilis lang talaga ito." Sabi ko.

"Hindi ba kami pwedeng sumama?" Tanong ni Dawn.

"Medyo malayo kasi dito yung silid eh." Sagot ko.

"Hay naku, Echo. Halika na nga Dawn." Anyaya ni Gaby.

"Mabilis lang ako."

Hindi na sumagot si Dawn at Gaby ng sinabi ko na iyon, agad na rin silang umalis.

Ilang minuto akong tumakbo at naglakad para makapunta doon sa silid, pasara na daw sila pero pinayagan pa akong magsauli ng libro. Natuwa naman ang book keeper at sinabing bumalik lang ako kung kailangan ko pang manghiram ng mga libro. Pagkalabas ko, nakita ko ng naka-abang sa akin si Dawn at Gaby, naroon na rin ang kanyang sundo.

"Mauna na ako Gaby at Echo, hinintay lang kitang makarating dito para makapagpaalam ako sa iyo." Sabi ni Dawn.

"Sige." Sabi ko, nagpaalam si Gaby kaw Dawn, ilang minuto pa ay umalis na ang sasakyan nila.

Pagkatapos nilang umalis, napansin ko na lang na nakatitig sa akin si Gaby, medyo nakataas ang kilay.

"Bakit?" Tanong ko.

"Hinahatid mo dito si Dawn?"

"Oo?" Sagot ko.

"Bakit? Kailan mo pa na isipang gawin iyon?"

"Nung unang araw ng pasukan, kasi kaibigan siya."

"Ganun, kaibigan. O baka ka-ibigan.?" Parang galit niyang sinasabi.

CamelliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon