Chapter 31

1.4K 23 0
                                    

Kira's pov

Abala ako sa pag luluto ko na may maramdaman akong nakatingin sa akin kaya lumingon ako at nakita doon si Sean na naka sandal sa may pinto dito sa kusina na naka cross arm pa.

"Gutom ka na ba? Malapit na itong matapos" tanong ko sa kanya na di muli lumilingon sa kanya.

"Nothing, i just see you how to cook" sagot nya sa akin. Natawa nalang ako sa sinagot nya.

"Ayan tapos na ako" pinatay ko na ang kalan pati ang basol bago lumapit sa mga plato at kinuha rin ang mga kutsara't tinidor. Sumandok na rin ako ng kanin at inilabag yon sa lamesa pati ang ulam.

"Kumain na tayo, marami ka pang gagawin" aya ko sa kanya na may ngiti sa labi. Ngumiti sya ng bahagya at tumango.

Habang kumakain kami ay napansin ko na parang ang lalim ng iniisip nya ngayon.

"Why?" Takang tanong nya sa akin. "May problema ka ba? Para kasi ang lalim ng iniisip mo?" Takang tanong ko sa kanya. Ngumiti sya ng pilit bago umiling, napasinghap ako ng hawakan nya ang kamay ko na nakapatong sa lamesa.

"Dont worry wife, im ok" nakangiting sagot nya sa akin. Nailang ako dahil sa mga tingin nya. Binawi ko agad kamay ko na hawak nya at ngumiti ng nakakailang sa kanya.

"Ano pala ang sunod na gagawin mo ngayon?" Tanong ko sa kanya. "My meeting ako ngayon sa may conference" sagot nya sa akin.

"May gagawin ba ako?" Tanong ko sa kanya. "Ayusin mo nalang ang mga papers at yong mga kaylangan ipapirma sa mga department ibigay mo sa mga manager. Mamaya ko rin kukunin ang mga iyon" sagot nito sa akin, tanging tango lang ang sinagot ko sa kanya.

Pag tapos namin kumain ay umalis na agad sya para asikasuhin ang mga kaylangan nyang asikasuhin.

Pag tapos kong hugasan ang pinag kainan namin ay agad ko nang ginawa ang mga pinapagawa nya. Napansin ko na marami din mga papers sa lamesa nya kaya inayos ko muna iyon hanggang sa di ko sinasadyang napatingin sa may lamesa nya na may picture.

Teka? Picture namin ito ah? Ito yong time na nag gala kami. Di ko aakalain na dito nya ito nilagay. Napangiti naman ako ng palihim, kahit papano ay masaya ako para sa mga anak ko.

Fast forward

Napaangat ako ng kamay dahil sa ngalay. Kakatapos ko lang mag ayos ng mga gamit at pirmahan ang ibang mga papers na pinapagawa nya. Habang nag titipa ako dito sa may computer ko ay napatingin ako dahil may huminto sa harap ko.

"Tapos ka na?" Tanong ko sa kanya. "Yeah" tipid nyang sagot. Halatang pagod sya ngayon dahil halatang matamlay sya.

"Pahinga ka na muna. Ipag titimpla kita ng kape" turan ko sa kanya. Tumayo naman ako para kumuha ng kape nya.

Nang makagawa na ay bumalik ako sa pwesto nya na ngayon ay nakaupo sa may sofa habang nakapikit ang mga mata nya, halatang pagod sya sa dami nyang ginawa ngayon.

"Eto na kape mo, mag pahinga ka muna ngayon halatang pagod na pagod ka. Sige na babalik na ako sa ginagawa ko" pero akmang tatalikod ako sa kanya ng bigla nya akong hinila at pinaupo sa may lap nya na ikinasinghap ko sa gulat.

"Dito ka muna, gusto kitang mayakap ngayon" naawa ako s kanya, halata s boses nya ang pagod. Hinayaan ko nalang sya at sinuklay-suklay ko nalang ang buhok nya.

Maya-maya ay bigla nya ako pinatayo kaya tumayo ako, tinatap nya malapit sa kanya kaya umupo ako at doon sya humiga kasabay nang pag unan nya sa mga hita ko.

Pumikit kanyang mga mata habang sinusuklay ko ang buhok nya ulit. "Yong kape mo di mo ba iinumin?" Tanong ko sa kanua, iling lang ang sinagot nya sa akin. Sabagay umiinom din naman ako ng kape kaya ako nalang ang iinom ng kape nya.

Hanggang sa tuluyan nang lumalim ang pag hinga nya tanda na nakatulog na ito. Dahan-dahan kong tinaas ang ulo nya at kinuha ang unan sa tabi ko bago inunan sa kanya, tumayo ako para kumuha ng makukumot nya at pag balik ko ay nakita ko si Ace na nakatingin kay Sean.

"Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ko sa kanya. Tumingin naman sya sa akin at ngumiti sabay iling. "Gusto ko lang icheck kung okay lang sya, kanina nasalubong ko ang kapatid nya" sagot nya sa akin

"Oh tapos anong nangyari?" Tanong ko sa kanya. "Di ko na gusto ang trato nila sa kanya. Isang halimaw ang tingin sa kanya" sagot nito sa akin.

"Pabayaan nalang natin sila, wala naman silang alam eh" tugon kong sabi. Habang nag aayos ako ay may pumasok nalang bigla sa office ni Sean.

"Bakit kayo nandito tita?" Tanong ni Ace sa isang ginang na pumasok na may kasamang isang lalaki na kasing idad lang ata ni Sean.

"Bakit masama bang pumunta sa office ng anak kong demonyo?" Napansin ko ang pag kuyom ng kamao ni Ace na halatang di nagustuhan ang sinabi ng ginang.

"At sino ka naman? Ikaw ba ang bagong secretary nya?" Baling nito sa akin. "Opo ma'am" sagot ko sa kanya. "Bakit ka nandito sa office ng boss mo? Diba dapat nasa may labas ka?" Nakataas na kilay na tanong nito sa akin.

"May pinaasikaso lang po si sir Demon sa akin" sagot ko sa kanya. "Mom hwag kang ganyan sa isang magandang binibini" umirap ang ina nito sa sinabi ng lalaki. Lumapit ito sa akin at nag pakilala. "Ako nga pala si Devion Ken Selvinia, and you lady?" Tanong nito sa akin. "Why you too doing here?" Napatingin ako sa may sofa at nakita kong nakabangon na si Sean sa pag kakahiga.

"Hey brother, muhkang kakagising lang ah" panunudyo nitong sabi. "Can you plss leave me alone" malamig na sabi ni Sean pero ngumisi lang ang kapatid. "Enough boys" patigil nito sa dalawa.

"Umalis muna kayo Ace" turan na sabi ng ginang sa amin. "Ako po lalabas pero si Akira ang hindi" tugon ni Ace. "At bakit di lalabas ang babaeng yan? Bakit makikichismis ba sya sa amin ng mga anak ko? Secretary lang sya! O baka naman mistress ni Demon kaya ayaw nya umalis" para naman ako nahiya sa sinabi ng gina. Napayuko ako sa sinabi nito.

"Tito Ace!" Napatingin kami sa may pinto nang pumasok bigla si Sofia. "Sofia sabi ko sayo hintayin nyo ako sa may office" turan nito sa anak ko.

"Pero tito bored na po ako doon" nakangusong sagot ni Sofia. "At sino naman ang mga batang iyan? Bakit may bata dito? Bahay pampunan ba ito?" Inis na tanong ng ginang, di na ako nakatiis pa kaya sumabat na ako.

"Bakit ganyan po kayo makapag salita? Hwag nyo naman insultuhin ang mga anak ko po ma'am" mahinahon na sabi ko kahit sa totoo lang ay sasabog na ako sa inis.

"Anak mo? Bakit paalagaan ba ang kompanya na ito? Gusto nyo ba ng pera? Oh sige ibibigay ko" itinapon nya sa akin ang perang kinuha nya sa bag nya.

"Enough mom! Don't insult my wife and my children!" Natigil ang ginang sa sigaw ni Sean. "Wife? Children?" Di makapaniwalang tanong ng ginang.

"Ohhh. So sya si Akira? Ang babaeng nabuntis mo 5 years ago" sabat ng kapatid nya. Di sya pinansin ni Sean bagkus ang lumapit ito sa akin.

"Lumabas na muna kayo Ace kasama si Sofia" malamig na utos nito kay Ace.

Ngayon ko na naman sya nakita na ganito. Seryoso at malamig kung makitungo sa ibang tao pero ang ibang tao na iyon ay ang ina at kapatid nya.

Continue

─────────ೋღ 🌺 ღೋ─────────

Sorry ngayon na naman ako nakapag update ng next chapter. Di ako makapag isip ng maayos malalim lang iniisip ko hahahaha. Sa ngayon ito muna pero susubukan ko makapag update ulit lalo na sa ibang stories. Salamat sa pag babasa at pasensya na sa slow update ni author.

Hiding My Twin From Billionaire's Father(HIDING SERIES #1)UNDER EDITEDWhere stories live. Discover now