Mahina naman pala ang isang to eh.

"Manang gising...manang!"

"Susporsanto ikaw nanaman!"

Tinakpan ko ang bibig nito bago pa ito makalikha ng panibagong ingay.

"Shhh manang baka marinig ka nila."

Inalis ko ang pagkakatali nito at inalalayan itong lumabas ng van.

"Ang sasakyan ng alaga ko." Turan nito ng maipasok ko siya sa kotse.

"Bakit nasayo to ha. At sino ang mga lalakeng nagtangkang dumukot sakin kanina? Kasamahan mo sila no. Sinasabi ko na nga ba magnanakaw ka."

Pinagpapalo ako nito. Sinangga ko ang bawat palo niya.

"Aray manang! Nagkakamali po kayo hindi--aray! Hindi po ako magnanakaw."

"Magnanakaw ka. Magnanakaw!"

"Hindi nga po ako magnanakaw!" Mahigpit kong hinawakan ang braso nito. Nangkumalma si manang ay tyaka ko siya binitawan.

"Makinig po kayong mabuti sakin manang hindi po ako magnanakaw. Sa katunayan ay...ay kaibigan ako ng alaga niyong si Iziah. Tama. Kaibigan niya ako."

Inobserbahan niya ang aking bawat galaw.
Mukhang hindi talaga niya ako pinaniniwalaan sa mga sinasabi ko.

"Ang bahay. Kailangan kong bumalik sa bahay."

"Manang sandali!"

Pinigilan ko ito sa tangka niyang paglabas ng kotse.

"Hayaan niyong ako nalang ang pumasok sa loob, baka mapahamak pakayo kung babalik kayo don."

"Pero----"

"Magtiwala kayo sakin manang wala silang makukuha ni anuman sa bahay."

Wala na itong nagawa kundi ang magtiwala sa mga binitawan kong salita.

Binalaan ko siya na wag lalabas ng kotse hangga't hindi ako nakakabalik. Mabuti nalang talaga at hindi na siya nagprotesta pa.

Umakyat ako sa puno at pilit na inangat ang sarili ko sa mataas naming pader.

Tumalon ako sa damuhan at mabilis na yumuko para makapasok sa may terace namin.

Nakita ko ang dalawang lalakeng nakaitim na hinahalungkat ang mga gamit ng magulang ko.

"Bilisan mo bago pa dumating ang mga pulis!" Sigaw ng isa sakanila.

"Heto na nga!"

Nagmamadaling pinasok ng isa sakanila ang mga alahas ni mom sa itim na tela.

Magnanakaw lang ba sila kaya sila nandito? Bakit nila kinuha si manang kung pagnanakaw lang naman ang pakay nila.

Napatago ako sa likod ng paso ng lumabas sila ng kwarto.

Tumunog ang telepono ng isa sakanila kaya napatigil sila pareho.

"Boss"

"Negative boss. Hindi namin nakita ang babae rito."

Tama nga ang hinala ko. Hindi lang pagnanakaw ang ipinunta nila rito.

"Yes boss. Hinalughog namin ang buong bahay pero wala talaga."

"Yes boss masusunod."

Ibinalik nito ang telephono sa bulsa nito at humarap sa kasamahan niya.

"Anong sabi?"

"Kailangan nating mahanap ang babae kundi malilintikan tayo kay boss."

"Kung ganon maghiwalay tayo. Ako sa taas ikaw naman dito sa baba." Tumango sila sa isat isa kaya napatago ako ng mabuti sa likuran ng paso.

POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANO (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora