"Susupresahin ko muna ang Daddy mo, pero hindi muna kita isasama pati narin ang mga kuya mo Anak ko, sa isang bahay niya sa Caloocan" meron kasing isang bahay ang asawa niya sa Caloocan, alam niyang doon nananatili muna ang asawa niya dahil may mga business o mahalagang trabaho raw ito doon na sobrang mahalaga at importante, na naiintindihan niya naman

Kinuha ni Griviel ang stroller at inilagay duon si inutusan niyang bantayan muna ni Javiel, Javier at Javien ang tatlong anak niya na sinang-ayunan ng tatlong guwardiya, masaya siya, hindi niya sinabi sa asawa niyang pupunta siya sa bahay nito sa Caloocan.

Ilang oras na ang naka lipas, at mag tatakipsilim na nung makapunta na siya sa bahay ng kaniyang asawa, papasok palamang siya ay bigla na siyang nakaramdam ng bigat sa kaniyang pakiramdam pero insi nawalang bahala niya iyon at pumasok parin ng bahay.

Kumatok siya sa pinto ng dalawang beses pero di ito binuksan ng asawa kaya wala na siyang nagawa kundi kunin ang isang spare key sa bahay na ibinigay ng kaniyang Mother In Law sa kaniya para makapasok sa bahay ng kaniyang asawa, dahan dahan din niya iyong binuksan, naglakad siya papasok sa loob ng dahan dahan, hindi siya gumagawa ng kahit anong ingay. nagulat siya ng makakitang isang Dior bag na kulay pula. Duon nadurog ang puso niya ng makarinig siya ng mga ungol, halinghing at daing sa kusina kaya dali dali siyang pumunta duon

Doon nakita niya ang dalawang tao, naka hubo't hubad, nagtagalik sa loob ng lamesa. Hindi niya kilala kung sino ang babae pero kilalang kilala niya kung sino ang lalaking katalik ng babae, napahinto siya sa ginagawa niya, tila nanigas na siya sa kaniyang pwesto. Maya maya ay napa lingon ang babae sa direksyon niya at napa sigaw ng makitang merong nakatingin sa kanila. Doon ay napatigil narin ang asawa niya sa ginagawa at tinignan ang direksyon na tinititigan ng babae, doon ay nagulat siya ng makita ang asawa niya. Nanlamig bigla ang katawan niya at dali daling umalis sa babae at dali daling nag bihis ng damit.

Lumuluhang pinag masdan ni Griviel ang babaeng dali daling nagtago sa likod ng kaniyang asawa na meron ng suot na isang short red  dress. Nilingon niya ang kaniyang asawa na lumapit sa kaniya at hinawakan ang kamay niya habang nanginginig

"A-amor, its not what y-you think it i-is, m-mali--" hindi na pinatapos ni Griviel ang sinasabi ng asawa ng bigla niya itong sinampal ng malakas sa kanang pisngi nito, isang malutong at malakas na sampal na nagpa singhap sa babae. Napahawak naman sa pisngi ang asawa niya sabay lingon sa kaniya na parang di makapa niwala sa kaniyang ginawa

"Napaka hayop mo! Ang sabi mo ako lang!? Ano to, Veihal?! Tangina ano to!?" Galit na wika ni Griviel sa asawa habang umiiyak, bigla nagbago ang awra ni Veihal, naging madilim at malamig na ang awra nito. Biglang tumakbo na paalis ng bahay ang babaeng nakapulang damit na lalo niyang ipinagtaka. Napasinghap siya ng hawakan ng madiin ni Veihal ang kamay niya

OBSESS MEN SERIES 1: Maverick's ObsessionWhere stories live. Discover now