Chapter 3 : 15 again

4 3 5
                                    


If am 15 years old, they why do I still look mature. I still look 23, shouldn't my face look younger?


Ang dami kong iniisip habang kumakain mag-isa sa malaking dinner table na'to. Bukod sa napakahaba ng wooden table na'to, ang dami pang nasa lamesa kahit ako lang naman ang nandito. Hindi pa ata kumakain sina Aunt Darlene at Kuya Galen. 


"E, ikaw Rebecca? Bakit hindi ka sumabay sa akin kumain?" siguro dahil I am mentally 23 years old, medyo hindi ako naiilang na tawagin siya sa pangalan niya lang. 


"Dahil po servant lang kami, at hindi bisita. HIndi po kami pwedeng sumabay sa inyo kumain." nakangiting pahayag nito. Tumango na lang ako at nagpatuloy kumain.


Ay gan'un?


Sayang mas masaya pa naman kumain kapag may kasabay. Dami pa namang nasa hapag-kainan. 


"Kumain na ba si Aunt Darlene?"


"Hindi pa po. Kakain po 'yun sa office niya kung 'di siya ba baba ngayon"


"Okay" 


Matapos kong kumain ay napag-isipan kong libutin ang buong manor ng mag-isa, pinipigilan pa ako ni Rebecca ng masanay ako dito dahil nga mananatili ako dito ng ilang araw. Kailan ba kasi naman gagawin ang DNA test? 


"Atsaka may DNA Test ba dito? TV nga wala sila e." Napaisip-isip ako. Pero baka may superpowers dito na ganoon, pero lahat ba ng tao dito may superpowers? Meron din ba si Rebecca. "Matanong nga mamaya."


Nacurious ako sa isang patunnel na daan ng may narinig akong malakas na ingay. UNti-unti akong humakbang para silipin ang tunnel. Mukhang mahaba ang dadaanan patungo kung saan nang-gagaling ang tunog. Tinuloy ko ang paglalakad hanggang sa palakas ng palakas ang tunog, pero palamig naman ng palamig ang daan. 


"Ano kayang meron?"


Sabi nila 'curiosity kills the cat'. Thank goodness, hindi ako pusa. MUntik na akong tamaan ng yelo, yelong tumusok sa pader na nasa likod ko. Nadaplisan pa ako ng kaunti kaya may maliit na hiwa sa pisnge ko. 


HIndi nga ako natusok pero parang mamatay ako sa gulat na may halong kaba. 


"Who are you?!"


Bata? Mukhang nagpapractice siya, naistorbo ko pa ata. Na-fascinate ako sa mga nakita ko. Kaya pala sobrang lamig dahil napuno na ng yelo ang isang malaking training ground na'to. At sa nakikita ko sa kamay niya ay siya ay mag gawa 'nun.


"I'm asking you. Who are you? Why the hell are you here?"



"AY! Sorry, nacurious lang ako sa narinig kong ingay. HIndi ko gustong abalahin ka." awkward akong ngumiti para mabawasan ang tension pero nakalala pa ata. Beast mode na talaga siya. 



"You're not answering my question. Who are you?!" Napaatras ako ng may bumuong bloke ng yelo sa harapan ko at ang dulo 'nun ay napakatulis na nakaambang tutusok sa mukha ko. 



"Chill lang beh! Selene! That's my name, sabi ni Aunt Darlene, pamangkin niya raw ako!" Natataranta kong sambit. Nakatingin lang ako sa dulo ng yelo na ang lapit sa mukha at nakataas ang dalawang kamay na parang sumu-surrender. "Please can you remove this?"


Pagkasabi ko 'nun ay nadurog itong parang buhangin at natunaw. 


"Wow" namangha pa ako na parang kanina lang ay pwedeng naging dahilan 'yun ng kamatayan ko. 



"Now go away, you're being a hindrance in my training."


"S-sabi ko nga." tumakbo na ako paalis sa lugar na 'yun. Baka tuluyan talaga ako 'nung bata, grabe wala man lang akong kalaban-laban 'nun. Grabeng bata, wala man lang kagalang-galang, mas matanda kaya ako sa kanya.


Napabuntong hininga na lang ako, dapat nga nagpasama na lang ako kay Rebecca. Na-50:50 buhay ko doon ah. Sino naman ang batang 'yun kaya? Ang cute cute at pogi nga, katakot naman ang ugali. 


Naglakad-lakad pa ako hanggang sa nakapunta ako sa garden. 


"Wow, ang ganda naman dito." Buong paghanga kong pinagmasdan ang napakalawak na garden na puno ng iba't ibang klaseng bulaklak, may garden maze doon, fountain at munting silungan na lugar. 


Umupo ako doon sa ilalim ng malaking puno at sumilong. Dapat pala nagdala ako ng pagkain. "Yayamanin talaga 'tong kumidnap sa akin. Kapag napatunayan na ako talaga 'yung hinahanap niya, papa- ampon na ako."


Kahit may batang makulit at Aunt na napaka-toxic, masyadong mahilig mangontrol. Okay lang, mayaman naman kami. Money makes me happy, ika ko nga. Kaysa naman doon sa earth, stress na stress ako, need ko pang mag-aral ng bonggang-bongga, matitigok na lang ata ako bago pa ako grumaduate. Hirap pang ipag-sabay ang pagpa-part time job. 


"Dito na lang ako..." parang peaceful dito sa garden, walang ingay maliban sa tunog ng mga dahon sa puno na nag-swi-sway dahil sa hangin at  ang mga huni ng ibon. "15 years old lang din ako dito, hindi ko nga na-enjoy sa earth 'nung ganoon akong edad."


"Twice akong naging 15, grabe, hiniling kong maging bata uli, pero 'di ko akalaing magkakatotoo."



Is this a second chance for me? A chance for me to enjoy my youth in this world. 


Dahil naulila rin ako ng maaga ng mga taong tinuring kong magulang at nagpalaki sa akin, tapos bigla na lang silang nagkasakit ng malala tas naiwan akong mag-isa. Kaya napatrabaho ng maaga ang Selene niyo dahil masyadong eager makapagtapos ng pag-aaral. I'm not blaming them tho, I am more grateful to them.


Napabuntong hininga na naman ako. "Kung inipon ko na lang lahat ng naging suweldo ko kaysa pambili ng mga pang-project at pambayad sa school. Baka nakabili na ako ng bahay."


Yes, nag-reregret ako pero may part rin sa akin na nag-enjoy ako dahil I met a lot of people and learned a lot of things that helped me survive in this world. It's a mix of regret and happiness.


"Lady Selene! Lady Selene!" Napatayo ako ng marinig ang aking pangalan. It was Rebecca. "OH! Miss Selene, hinahanap po kayo ni Madame Darlene"


"Bakit daw?" taka kong tanong. Kakakita lang namin kaninang umaga ah.


"I'm sorry, pero wala pong sinasabi sa aking details kung bakit." Tumango na lang ako at sumunod sa kaniya. 


Ano na naman kayang balak sa akin ng babaeng 'yun. Akala ko ba busy siya, bakit niya ako pinapatawag. Napaisip ako ng mga dahilan kung bakit niya ako pinapatawag at nag-isip na rin ako ng sasabihin o gagawin kung sakaling 'yun nga ang mangyayare. 


"Young Lady Selene has arrived." the servant announced bago nila binuksan ang two-wooden style door. And just like earlier this morning, busy pa rin siya pero medyo nabawasan na ang mga papeles sa lamesa niya. 


"Pinatawag mo raw po ako."


"Yeah, it's about the holy Bloodline Trial." she said in a serious tone looking at me intently. This is a serious matter so I listened to her carefully with curiosity. 


"What is that?"


"It's a holy ancient ritual ceremonies believed to be bestowed by the gods themselves, especially Deva. They test not only the magical abilities of the participants but also the connection to the other participant who claims to be your relative which is me." she explained. 


"In short, DNA test version in this world?"


"Well, yeah."


"Kailan natin 'to gagawin at saan naman?" 


"Well, let's see. Galen kailan ang free time ko?" 


"If we finish early, we can proceed and go to the Sanctum three days from now. But if you get lazy, we can proceed five days from now." Galen said reading some papers from his hand. he looks go with glasses. 


"Okay, request for a bloodline trial three days from now. We should do this as earlier as possible." utos nito. 


"Yes, madame."


"And you, be ready for that day. This is important matter. Important for both of us."  


"I know."


It will be the day that can change my life from that day and so on. 

The Unholy DivinerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon