Ch. 4: Cupcakes and Sabotage

710 17 1


Mishiela Salvador


TLE class. Lahat kami excited habang nagriready at papuntang TLE room. Today we'll gonna bake cupcakes! Sila excited sa paggawa, ako excited sa pagbibigyan ko no'n.


By just merely thinking about it, my heart starts to thump in excitement.


Napapangiti na lang ako habang naglalakad papuntang TLE room.


After a while 'yong frosting na ang ginagawa ko. Ang kalat ng working area ko at nanlalagkit na ako pero siniguro kong hindi mahahawa sa'kin ang ginagawa ko. Kahit gaano ako ka-unpleasing ngayon, dapat presentable pa rin ang cupcakes ko.


Ayan! Now I'm working on putting M&M's on top. Sinunod ko ang ROYGVIB para damang damang para kay Rainbow 'to.


Biglang dumaan sa working area ko ang isang classmate ko, on instinct nilapit ko sa'kin ang cupcakes ko. Nilingon niya ako dahil doon.


"Walang magpaplanong kumuha niyang gawa mo so you don't have to shield it every time may dumadaan sa work area mo."


Nanayo ang balahibo ko pagkarinig sa boses ni Aimee. The campus queen bee.


Ngumiti ako ng malaki sa kanya kahit na-intimidate niya ako, "Hehehe, I'm sorry!"


Maingat kong nilagay ang cupcake sa fridge para palamigin, sa dulo ko inilagay para hindi ma-damage  ng iba kung sakali. Mamaya ipapacheck ko 'yon kay ma'am saka ilalagay sa box para naman ibigay kay Rainbow.


Here I come again, baking a way to your heart. It is as sweet as me and as colorful as your name. Hihihi.


Mabilis akong nagpaalam kay ma'am na maglilinis muna ng mukha. Ang pangit naman kasi kung ang ganda ng cupcakes ko pero 'yong magbibigay dugyot.


Sa restroom na ako pumunta. Naghilamos ako at nagsuklay. Nagpowder at nagpabango. Matapos no'n ay pumunta ako sa room para kunin ang box na paglalagyan ko ng cupcakes. Sakto recess time, maibibigay ko sa kanya ang gawa ko.


Nai-excite na ako!


Ayon, dahil nga medyo excited ako, nagkadulas dulas ako papuntang TLE room. Hindi ko kasalanan! Kasalanan ng floor, bakit kasi hindi 'yon normal. Bakit kasi marbled?


Pagdating sa TLE room bumalik ako sa working area ko, kinuha ang cupcakes na naka-fridge saka maayos na inilipat sa box. Sunod kong inayos ang pagkakatali ng ribbon sa ibaba then... tadah! My cupcakes' readeeeeh.


Mabilis akong naglakad papunta sa room nina Rainbow. IV-D siya at IV-B ako, sayang nga at hindi kami classmates, eh.


On my way there ay may nakasalubong akong babaeng nagmamadali, as in nagmamadali na hindi ko napansing makakasalubong ko na pala siya. Malawak ang hallway pero sa hindi ko malamang dahilan eh nabunggo niya ako. Napasandal ako sa may railing pero si ateng nakabunggo sa'kin dumausdos sa sahig. 

He's Mine [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon