CHAPTER THREE | OFFER

Start from the beginning
                                    

Natigil sa pagnguya si Kuya pero mayamaya ay tinuloy na rin ang pagkain. "Tigil-tigilan mo kasing pagtitingnan ang mga kung ano-anong nangyayari sa mga kakilala mo para hindi ka naiinggit."

"Hindi naman ako naiinggit. Ano lang..." napakamot ako ng ulo. "Sige na nga. Konting inggit lang. Ang ganda na kasi ng buhay nila. Kung sana naging mayaman na lang tayo 'no? Hindi na tayo magtitiis sa tagpi-tagping bahay na 'to. Sigurado sinagot na ako ni Laurel tapos papakasalan ko siya. Bibigyan ko siya ng bonggang kasal. Lahat ng buong taga-Bayagbayag imbitado at may pa-Sharon Cuneta pa pag-uwi."

Seryosong tumingin sa akin si Kuya. "Laurel na naman. Matindi talaga ang tama mo d'on."

"Soulmate ko kasi 'yon. Bata pa lang, unang kita ko pa lang sa kanya na tumatakbo ng naka-panty at bumibili ng toyo sa tindahan ni Aling Narda, alam kong siya na ang da wan."

Doon na natawa si Kuya. "Hayaan mo, magiging syota mo din 'yang si Laurel. 'Yang si Aling Lagring, matatauhan din 'yan at makikita niya na ikaw ang bagay kay Laurel. Hindi 'yong mga tina-target niyang mga doctor at CEO para sa anak niya."

"'Yan ang gusto ko sa'yo, Kuya. Talagang pinapalakas mo ang loob ko." napangiti pa ako at sumandal sa kinauupuan ko tapos ay napapangiti. "Laurel Alicia Zapanta. 'Di ba, Kuya? Bagay na bagay ang apelyido natin sa pangalan ni Laurel."

Alam kong sinasakyan na lang ni Kuya ang trip ko kaya tumango na lang siya habang tumatawa. Mayamaya ay naririnig kong may tumatawag sa pangalan ko tapos nasa pinto na ng bahay namin si Boyet.

Pareho kaming napangiwi ni Kuya dahil sa hindi maipaliwanag na amoy na pumuno sa bahay namin.

"Putangina mo naman, Boyet. Ang aga-aga naman nanununtok ang anghit mo. Ang baho," nagkusot pa ng ilong si Kuya at hitsurang naduwal. "Nakakawalang gana ang putok mo."

"Sobra ka naman, MVP. Naligo pa nga ako bago pumunta dito." Inamoy-amoy pa ni Boyet ang sarili. "Hindi naman ako mabaho. Normal na amoy ko naman 'to."

Kinusot ko din ang ilong ko. "Gago, ang baho nga. Uso kasi ang sabon kapag naliligo hindi puro tubig lang." Sabi ko tapos ay tumayo at nakita ko ang baretang sabon na nasa lababo. Kinuha ko iyon at ibinigay kay Boyet. "Ayan. Ajax 'yan, ha? Kaskas mo sa kilikili mo." Naghugas ako ng kamay at bumalik sa mesa.

"Sige. Mamaya gamitin ko 'to. Mukhang mabango nga." Sagot ni Boyet at ibinulsa ang sabon. "Ano nga pala, napadaan ako sa bahay nila Laurel. Papunta na sa tindahan nila para magbantay."

Dali-dali kong inubos ang kape ko. Kahit umuusok iyon sa init ay ininom ko tapos ay pinahid ang bibig.

"Alis muna ako, Kuya." Paalam ko at dumeretso na sa pinto.

"Mag-ingat. Huwag gumawa ng kabalbalan. Konyat ka sa akin kapag nalaman kong may katarantaduhan kang ginawa." Paalala ni Kuya.

Lakas ng tawa ko. "Mabait ako, Kuya. Kay Laurel lang naman ako nauulol. Alis na kami."

Inis kong tinitingnan si Boyet habang naglalakad kami at napabuga ako ng hangin.

"Boyet, 'tangina ka naman. Ang baho mo talaga. Nilalait mo ako n'ong nakaraan na mabaho 'yong pabangong nabili ko kay Abdul. Pero ikaw, singaw na talaga ng katawan mo 'yan. Maligo ka nga muna." Reklamo ko at nagtakip na ng ilong.

Kahit naman hindi kabanguhan ang amoy dito sa Barangay Bayagbayag, mas malupit pa rin kasi ang alingasaw ng baho ng kilikili ni Boyet. Hindi ko maintindihan kung ibinabad sa bulok na bayabas ang amoy. Nakakasuka talaga.

ROZOVSKY HEIRS SERIES 4: MARCUS AURELIUS (CRUEL BASTARD) (COMPLETE)Where stories live. Discover now