TOTS 5

2.7K 68 15
                                    

Chapter 5

Halos madapa ako kakahila sa akin ni Gabi, muntik pa ako mabangga doon sa lalaking nadaan namin.

"Teka nga, Gabi!" saway ko sa kanya dahil dire-diretso ang lakad niya.

Ang init na nga ng panahon, umiinit pa ang ulo ko sa kanya.

"Andito na tayo, upo tayo rito!" huminto na kami sa isang bench sa medyo dulo na ng field.

Yamot akong umupo, medyo mainit pa ang upuan dahil natamaan ng sinag ng araw kanina. Hindi ko maintindihan, na kung bakit tanghaling tapat pa ang laro ng football. Open area itong field, nabilad na lahat ng players at nanunuod.

Umupo na rin si Gabi, at tumabi sa akin. Kahit naman na mainit, marami paring nanunuod. Malakas ang hiyawan ng mga tao, nagsimula na kasi ang laro at intense talaga dahil magkalaban ang parehas na fourth year. Section namin, at iyong isang section wala akong kilala sa kanila.

"Bakit kasi manunuod pa tayo? Sa canteen nalang tayo, ang init!" reklamo ko kay Gabi na busy manuod.

"Ano kaba, syempre section natin ang lalaban." palusot niya,

"Hindi mo ako maloloko, laban sa chest kanina ng section natin hindi naman tayo nanuod!"

Sports week ngayon at dahil wala naman kaming sinalihang laro ni Gabi ay nanonood na lang kami. Ang balak ko nga, sa bahay nalang ako ng isang linggo, pero itong si Gabi mapilit.

She turned her head to me and made a face, like she knows, I already have an idea why we're here.

"I-support natin section natin at para na rin mapanood mo si Wyatt." paglilinaw niya parin, walang buhay akong bumuntong hininga.

Wala ng pag asa 'tong babaeng 'to, kahit anong sabihin ko sa kanya, die hard fan talaga siya ng love team naming dalawa ni Wyatt, na siya lang ang nakakaalam.

"Hindi ko titiisin 'tong init mapanuod lang si Wyatt!" irita kong sabi.

"Ano ka ba Inah! Nakikita mo ba iyang mga babaeng 'yan?" turo niya sa mga naghihiyawan, ang iba may dala pang banner. "Crush nila si Wyatt! Hindi mapupuno 'tong area na'to kung hindi dahil sa kanya! Tapos rereklamo ka diyan!" sabat niya sa mukha ko, na parang kasalanan ko pang mas gugustuhin kong tumambay sa canteen na mahangin kesa magtiis rito!

Aba't utang na loob ko pa?

"Alam mo, wala akong pakialam sa mga fan girls niya. Kaya wag mo ako itulad sa kanila!"

Hindi niya na ako pinansin, busy na siya manuod. Pinaypayan ako ang sarili gamit ang panyo at na pagdesisyunan na manood na lang rin. Tutal andito naman na ako, ilang minuto na kaming nanunuod, tagaktak na ang pawis ko.

Dagdag pa 'tong uniform namin na makapal pati coat! Dapat pala tinanggal ko nalang ito kanina at iniwan sa locker.

Pinunasan ko ang pawis sa noo gamit ang panyo, hanggang leeg. Tinaas ko ang nakalugay na buhok para mapunasan ang leeg hanggang batok.

Habang nagpupunas ako ay nagtama ang mata namin ni Wyatt, hindi, nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Nakatayo ito sa dulo at parang nagpapahinga galing sa pagtakbo ng sunod-sunod.

Wearing his jersey, he is standing there, panting while his brows shot up and his eyes are deeply staring at me. Bakit ganyan siya makatingin? Baka dahil sa liwanag ng araw? Nakakasilaw kasi.

Mabilis ring naputol iyon dahil tumakbo na siya muli, nagtataka ko siyang sinundan ng tingin pero hinayaan nalang rin.

Halftime na kaya nagpuntahan na ang mga players sa magkabilang sides para kumuha ng tubig at magpahinga.

Trophy of the Sunsets (Tonjuarez Series II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon