Chapter 19

18.2K 309 22
                                    

Order my published books at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.

Please expect slow updates. For early access, you may subscribe on my VIP Group or on Patreon. This is already complete.

Chapter 19

Mommy:

I'm already here, hija.

Hindi ko na sinagot pa ang text na iyon ni Mommy. Madaling araw pa lang nang dumating siya sa mansyon. Ang sabi niya ay maaga rin ang lapag ng eroplano ni Kiefer kaya kailangang mauna ako sa bahay.

Hindi ko alam kung gising na si Duke. Kung sakaling tulog pa, hindi ko na siya gigisingin pa para magpaalam. I already bid my goodbye last night. I'll just text him that I already left with Mommy.

Isang maliit na tote bag lang ang dala ko pagbaba ng hagdan. I didn't bother to bring some of my clothes. Mayroon pa sa bahay at hindi naman lahat ay dinala ko dito.

Pagkarating sa main door ay huminto ako at nilingon ang kwarto ni Duke. For some reason, I felt a little hollowness in my heart.

Alam ko naman na babalik rin ako ng Lunes. Hindi ko lang mapigilan isipin na marahil, darating pa rin ang araw na aalis na ako dito... at hindi na babalik pa.

Bumuntonghininga ako.

"Kailangan ko na masanay."

Tumalikod na ako at binuksan ang main door. Pagkalabas ko ay ganoon na lang ang pag-awang ng aking mga labi nang matanaw si Duke na nasa labas ng gate at kausap si Mommy.

Gising na pala siya?

Naglakad ako patungo roon. Duke was the first one who glanced on my way. Sumunod lang si Mommy. Ngumiti ako sa kanilang dalawa. Si Mommy lang ang ngumiti pabalik.

"Morning! Hindi ko alam na gising ka na pala. I was just about to text you kung nakaalis na kami." sabi ko nang huminto ako sa harapan nila.

His brow raised.

"Just a text? You won't dare to wake me up and let me see you before you go?"

Pasimple akong napatingin kay Mommy. She was obviously fighting for a smile. Wala naman siyang ideya na ganito na kami ni Duke. I don't even want to tell her about us because I know this won't be permanent.

Natawa ako. "Nagpaalam naman na ako sa'yo kagabi, hindi ba?"

He shook his head. "That won't be enough."

Gumalaw ang mga kilay ko, pasimple dahil siguradong nakikita ni Mommy. Hopefully, he would get the message I wanted to tell him.

Calm down, Monasterio. Walang alam ang mga magulang ko sa kalokohan nating dalawa.

Kalokohan ko lang pala dahil ako naman ang nagsimula nito. Kung hindi ako naging atribida at sinabing tutulungan ko siyang makalimot kay Ruth, wala kami sa ganitong sitwasyon.

E, siya rin naman. Ang sabi niya dalawang linggo lang ako dito at kusa na rin aalis. Pero isang buwan na at narito pa rin ako. Instead of making me hate him, he just made me fall in love with him.

Maging siya, may nararamdaman na rin para sa akin. Sabi niya.

"Magiging tahimik ang buhay mo sa loob ng dalawang araw, Duke." pukaw ni Mommy sa atensyon namin pareho.

Tiningnan siya ni Duke kasabay ng pagtaas ng sulok ng mga labi niya.

"Nasanay na rin po ako sa maingay."

Ngumuso ako at sinamaan siya ng tingin. His smirk turned more playful.

"Mamimiss mo rin ako!"

He chuckled. "Definitely, brat."

Monasterio Series 10: Her Wicked SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon