Typical na araw ng lunes, may pasok ako, gumising ako ng maaga, naligo, nagbihis, at naghanda. Isa lang ang kakaiba. Sino 'tong magandang babae sa harapan ko?
"Hello po, Sino po sila?"
"Nevaeh" ngumiti ito sa akin na ipinagtaka ko. "Ako ito, Tita mo, Tita Darlene mo"
"Sorry pero nagkakamali po ata kayo ng bahay. Selene po ang pangalan ko" kalmado kong sabi. Ang ganda niya kaso habang tumatagal parang ang creepy na sa paningin ko ng ngiti niya.
"Well, 'yan ang 'di ko sure. Dahil ramdam ko at sigurado ako. Isa kang Heisenberg"
Awkward akong ngumiti. Baka malate na'ko kung pagpapatuloy ko pa ang pakikipag-usap sa kanya. Baliw ata 'to e, dapat pala inignore kona lang at 'dina pinagbuksan ng pinto. Hayyss, madalas naman laging tama ang instinct ko pero bakit ngayong kailangan ko siya hindi gumana.
"Sorry po talaga, pero hindi po ako 'yung Nevaeh na tinutukoy niyo. Sorry po medyo busy ako ngayon e, may pasok pa po ako, pasok na po-"
"No, you'll come with me"
Parang nag-echo bigla sa loob ng ulo ko ang sinabi niya. Huh. Ang weird parang kusang gumagalaw ang katawan ko? Bumubukas rin ang bibig niya kaso wala akong marinig, nahihilo ako.
.....
Bakit parang gumagalaw ang paligid. Ay oo, nasa bus na siguro ako at papasok na ng school. Gagi, ang weird ng dream na 'yun. Parang totoo, kinilabutan ako. Makaidlip na nga muna, magigising naman ako sa sigaw ng kondoktor mamaya.
"...."
"....eh"
"nevaeh"
Napamulat ako bigla at napatingin sa yumuyugyog sa'kin. Hindi 'yun panaginip! Eto siya, 'yung babae nasa harapan ko at nasa loob kami ng kotse.
Nawala ang kalutangan ng utak ko at pilit na ina-analyze ang nangyayare at inuunti-unting intindihin.
Nasaan ako?
Puro puno ang labas, mahamog at hapon na rin. Hindi ako pamilyar sa lugar na'to. Nasa kotse rin kami. May tatlong tao; ako, siya, at 'yung driver. Isa lang ang naiisip kong conclusion, delikado ako rito.
"Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ng babae.
"Sino ka? Sino kayo?" pinilit kong kumalma. Sa mga oras na'to, ang pag-panic ay hindi makakatulong sa'kin. Baka mas lalong lumala ang mangyare.
Nagkatinginan ang baba pati 'yung lalaki sa rearview mirror ng sasakyan na parang may pinag-uusapan sa tingin. Habang ako ay kinuha 'yung chance para buksan ang pinto. Bahala mabaliaan o masugatan, tatalon ako dito.

BINABASA MO ANG
The Unholy Diviner
FantasyThe story of Ciara Reinalene Heisenberg who was once called Selene Damez, she's just a normal college girl, but when she met her biological aunt her life and world turn upside down. She was more than just a typical and normal girl, she's more than t...