Simula

14.4K 411 92

Simula

Sobrang init. Nakakapaso. Nakakabaliw. Nakakapanindig-balahibo. Ang Pandemonium ay isang lugar na nagmimistulang paunang impyerno sa mga ligaw na kaluluwa. Lahat sila ay sumisigaw, umiiyak at nagmamakaawa na palabasin sila sa lugar na nagdadala ng hirap at pasakit sa kanila. Ngunit tinatawanan lang sila ng mga demonyong nakaaligid sa kanila.

Pinagmasdan ni Vanessa ang mga kaluluwang kasama niya. Mas lalo siyang nagsumiksik sa dingding, sa pagitan ng dalawang bato, upang hindi siya mapagdeskitahan ng mga demonyo.

Kapag wala silang magawa o kaya naman oras na sa pagpapahirap pa sa mga kaluluwa, kumukuha sila ng latigong may malalaking tinik, ibababad sa kumukulong ilog ng baga at ihahampas ng paulit-ulit sa mga kaluluwa. Hindi lang 'yon, minsa'y inilulublob din nila ang kaluluwa sa ilog hanggang sa tuluyan na nila itong ihulog sa ilalim. Napakadami pang parusa ang ginagawa ng mga demonyo sa kaluluwa. Pakiramdam ni Vanessa ay nasa totoong impyerno na siya.

Niyakap niya ang kanyang sarili. Gusto na niyang makaalis pero hindi niya alam kung paano. Ilang beses siyang tumakas, naghanap ng daan paalis at magtanong sa ibang kaluluwa pero walang kinahinatnan ang lahat ng ginawa niya.

Ivo, please save me.

Tuluyan nang tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Nawawalan na siya ng pag-asang makakalabas pa siya sa lugar na ito. Hindi na niya alam ang gagawin. She's never been this hopeless. Alam niya parati ang gagawin. Sa mga problema ay palagi siyang may solusyon. Pero ngayon, wala siyang magawa kundi ang umiyak.

Ilang taon na ba siyang nakakulong dito? Limang taon? Walo? Sampu? Hindi niya na alam. Hindi man siya tumatanda, pakiramdam niya ay isa siyang kandila na unti-unti nang nauupos.

"Nandito ka lang pala,"

Kinilabutan siya nang marinig ang boses sa itaas niya. Napasinghap siya nang makita ang dalawang demonyo na nakaupo sa magkabilang bato na nasa gilid niya. Tumayo siya at mas sumiksik pa sa dingding kahit na wala na naman siyang mapupuntahan.

"A-Anong kailangan niyo sa 'kin?" Mahapdi pa ang mga sugat niya sa likudan dahil sa paglagito sa kanya kanina. Nanginig ang kanyang katawan nang maisip na uulitin na naman nila ito sa kanya. Kaluluwa na siya, hindi na dapat siya masasaktan pero hindi ganoon dito sa Pandemonium. Para kang napaparusahan sa kasalanang hindi mo naman ginawa.

"Pinapatawag ka ng aming panginoon." Ngumisi ang demonyong nasa kanyang kanan.

Panginoon? Sino?

Walang imik siyang sumama sa kanila dahil siya lang din naman ang mapapahamak. Kinakabahan na siya. Kung malupit ang mga demonyong nandito, paano pa ang panginoon nila?

Nakarating sila sa isang malaking itim na pinto na halos umabot sa nagsisilbing kisameng bato ng kuweba. Ang pintuan ay may disenyong nakaukit at kulay pula. Hitsura pa lang nito ay makikita mo na kung gaano kadelikado ang sinomang nasa loob nito.

Dahan-dahang bumukas ang malaking pinto. Inilibot niya ang tingin sa napakalaking kwarto. Ang sahig ay may tiles na gawa sa marmol. Ang dingding ay nag-aapoy. Sa pinakadulo ng kwarto, sa bandang gitna, may malaking upuan na nakapatong sa mataas na platform. Sa harapan ng upuan ay hagdanan patungo doon. Ngunit ang nakapukaw ng kanyang atensyon ay ang lalakeng nakaupo sa trono.

Mula sa kanyang kinatatayuan ay kitang-kita niya ang hitsura niya. He has a demonic aura lurking around him but it can't lessen his angelic face. May kasingkitan ang kanyang mga mata. Matangos ang ilong. Manipis ang labi. Ang buhok niya ay itim na itim na gulo-gulo na para bang natural lang iyon. Nakasuot siya ng itim na long sleeves shirt na bukas ang dalawang butones, itim na fitted na pantalon at walang saplot sa mga paa.

Hindi ganito ang inaasahan niyang hitsura ng Panginoon ng malupit na lugar na ito. He looks more like an angel than a demon.

Iniwan siya ng dalawang demonyong nagdala sa kanya sa kwarto. Narinig na lang niya ang pagsara ng pinto.

"Come here," Parang binalot ng yelo ang buong paligid. Kahit na nag-aalab ang apoy sa dingding, parang tinalo ito ng lamig ng kanyang boses. Gamit ang magkalapat na hintuturo at gitnang daliri, inimuwestra niyang lumapit sa kanya si Vanessa.

Kinakabahan man, sinunod na lang niya ang gusto ng binata. Napansin niyang parang magkaedad lang sila pero nararamdaman niyang mas matanda siya ng ilang taon dito.

"It's so nice to finally meet you, Vanessa," he smirked. "My Queen."

Napalunok siya dahil sa kanyang narinig. "S-Sino ka ba? B-Bakit mo ako pinatawag dito?" Mas pinili niyang magbingi-bingihan sa huling dalawang salita na sinabi ng binata.

Tumayo ang binata. Sa isang kisap-mata lang ay nasa harapan na niya ito. Mas lalo niyang nakita ang mala-anghel nitong hitsura, na pamilyar sa kanya, ngunit malademonyong aura na pumapaligid sa kanya.

Pamilyar ang mga mata ng binata sa kanya. Just like Ivo's eyes. Naisip niya.

"I'm Lohmann Ylva Raques," Hinaplos niya ang pisngi ni Vanessa. "You're here because I want you to help me rule this kingdom. I want you."

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig niya.

Raques?! H-He's a Raques?! And...and he wants me to be the Queen?! Why...why me?!

Naghyhysterical na siya sa kanyang isip. Hindi niya magawang ibuka ang kanyang bibig. Ni hindi niya magawang makapag-isip ng maayos.

"Well, silence means yes." Hinawakan niya ang pisngi ni Vanessa at pinagdampi ang kanilang labi.

NO! I...I don't want to! I can't! Ivo, where are you? Save me!

***

Lei/shinkumi's Note: Sa mga nagtatanong, ayan inipost ko na ang book 2 pero hanggang dito muna sa Prologue, okay? SOON pa. Hindi ko muna susundan. Yeah, itatambak ko muna sa works ko. Matagal akong makakapag-update dahil nga pasukan na. Masyadong mahigpit ang schedule namin sa school. Kaiyak.

Twitter: @shinkumiLIB

Instagram: @shinkumi_

Facebook: www.facebook.com/shinkumiLIB

TPV FB Group: http://www.facebook.com/groups/577520732297400/

shinkumi's stories FB Group: http://www.facebook.com/groups/1425628974372072/

Ask.fm: http://ask.fm/shinkumi

{SOON} Rosario Academy 2Basahin ang storyang ito ng LIBRE!