Sixteenth Dream

490K 23.8K 6.9K
                                    

Sixteenth Dream

Mabubura na ang existence niya.

Dito o sa real world.

Mawawala na si Caleb.

Hindi ko na maririnig ang boses niya, ang masayang tawa niya pati ang mga pang-aasar niya. Hindi ko na makikita ang maganda niyang ngiti, ang maamo niyang mukha. Dito man o sa real world.

Hindi ko na siya makakasama.

Napapikit ako. Nagbabadya ang mga luha sa mata ko.

"Hindi magandang biro 'yan," halos pabulong kong sabi sa kanya.

"I'm sorry."

Umiwas siya ng tingin sa akin. Napatingala siya at makailang beses siyang kumurap.

Siguro para hindi bumagsak ang mga luha sa mata niya. Parang lalong bumigat ang pakiramdam ko.

"Bakit ganun? Panaginip 'to 'di ba? Dapat hindi totoo ang mga nangyayari rito. Pero bakit ganun? Bakit nangyayari sa'yo 'to?!" Hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng luha sa mga mata ko.

Hindi 'to pwedeng mangyari. Panaginip lang 'to eh! Pero bakit totoo ang mga nangyayari?!

"Angelique," Caleb gave me a sad smile. "Kasi tunay ako at ito ang kapalit ng pinili kong buhay. Nagkamali ako. Mali ang naging desisyon ko pero wala na akong magagawa. Tanggap ko na."

Umiling ako. "Hindi pwede Caleb! Hindi eh! Ayokong tanggapin! Hindi pwede!" Umiling ako nang umiling nang umiling. Ayoko. Bakit ganun? Bakit ganito ang nangyari? Ang bigat-bigat bigat sa puso.

"Angelique," hinawakan ni Caleb ang mukha ko at nginitian niya ako. "Mali man ang naging desisyon ko, may maganda pa ring nangyari sa akin."

"Anong maganda Caleb? Sabi mo peke ang lahat ng 'to! Iba pa rin ang reality! Anong maganda rito ha?! Ano?! Hindi ko matanggap! Hindi pwede!"

"Pero tunay ka. At ikaw ang magandang nangyari sa akin."

Natigilan ako bigla sa sinabi ni Caleb. Lumapit siya sa akin at pinunasan niya ang mga luha sa pisngi ko.

"Ikaw ang magandang nangyari sa akin, Angelique."

Hinila ako papalapit ni Caleb at niyakap niya ako nang mahigpit na mahigpit. Naramdaman ko ang labi niya na dumikit sa noo ko.

Napapikit ako kasabay ng muling pagbagsak ng luha sa mata ko.

Alam ko na lahat. Ramdam ko na lahat.

Kung bakit ganito ang epekto ng ngiti ni Caleb sa akin, kung bakit hindi ako ganoon nasaktan nung malaman kong sina Owen at Amanda na. Kung bakit ang komportable ng pakiramdam ko pag kasama ko siya o kung bakit siya lang ang kaisa-isang taong may kakayahan na pagaanin at palaksin ang loob ko.

Alam ko na. Naiintindihan ko na. Kung bakit gabi-gabi ay excited akong matulog at managinip. Kung paanong mas gumanda sa paningin ko ang munting paraiso na binuo ko. Ramdam ko na lahat. Tinatanggap ko na lahat. Mahal ko siya. Pero bakit kung kailan ko pa na-realize ang mga bagay na 'to ay saka pa siya mawawala sa akin?

"Hanggang kailan na lang kita pwedeng makasama?" halos pabulong kong tanong sa kanya.

Naramdaman ko ang paghinga ni Caleb nang malalim. "Bukas ang huling araw..."

Lucid DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon