Chapter 41

41K 390 12

CHAPTER 41

I made sure na masarap lahat ng pagkain at maayos itong nakahain. Sabi kasi ni James kasabay na niya si Penelope pauwi ng bahay, hindi kasi alam ni Penelope itong samin.

Maya- maya ay dumating na nga ang dalawa. Nakangiti si Penelope sakin at si James ay hinalikan ako sa noo at si Ellie nung makalapit samin.

Bakas sa mukha ni Penelope ang pagtataka nung mapatingin kay Ellie at pagkatapos ay sa akin.

"Pen, my wife Crystal, and that's Ellie, anak namin." Sabi naman ni James habang napapangiti ako sa reaksyon ni Penelope.

"Hi Pen." I said while smiling.

"Hi." Sabi niya na parang wala pa rin sa sarili pero ngumiti naman siya sakin.

"Mahal ko, I already told you about Pen, right? So can I go upstairs to change my clothes?" Si James at hinalikan ako sa buhok pati si Ellie.

"Yeah sure." Sabi ko.

"Pen, si Crystal muna ang bahala sayo ha, and don't worry masasagot niya lahat ng tanong mo." Si James at tinapik sa balikat si Pen habang natatawa. Napangiti naman ako.

"Okay." Si Pen na parang naguguluhan pa rin.

Umakyat na si James papunta sa kuwarto namin habang ako naman ay iginigiya si Pen sa sofa para maupo muna.

"Let's seat down first." I said with a smile.

"Pasensiya ka na Crystal, nabigla lang ako. Hindi kasi nababanggit nitong si James na may anak pala kayo?" Si Pen pagkaupo.

"It's okay, kahit naman siya eh nagulat din nung malamang may anak kami." Sabi ko habang natatawa.

Lahat naman sila ay nabigla nung malaman na may baby Ellie kami ni James.

"How did he know that he has a child?" She asked.

"I told him nung magkaayos kami. Nung una kasi hindi ko pa agad masabi sa kanya ang tungkol sa baby namin nung dumating kami dito sa Pilipinas kasi naging magulo ang utak ko. I saw you with James at inakala kong mag- kasintahan kayo kaya nalito ako sa kung ano'ng dapat gawin." Sabi ko.

Hindi ko maiwasang mapahiya sa sinabi ko sa kanya. Sa kabila ng pagiging mabuti niyang kaibigan kay James ay kinainisan ko siya sa pag- aakalang may namamagitan sa dalawa.

I just want to be honest with her dahil kaibigan siya ng asawa ko and she was with him when James was in bad times.

"Talaga? Napagkamalan mo kaming mag- kasintahan?" Si Pen while laughing. Tumango naman ako at napakagat sa ibabang labi.

"James and I are just friends. I know na alam mo namang dati kaming mag- kasintahan, siguro kaya hindi kita masisisi na naisip mo 'yun pero malabo nang maging kami kasi we're meant to be friends. At 'yung noon, wala lang 'yun, parang puppy love lang." Paliwanag niya.

"Masyado lang kasi akong nalungkot nung mga panahon na nahihirapan si James dahil nandun ako ng mga panahon na 'yun hanggang sa pinilit ko siyang bumangon kasi naaawa na ako sa kanya. Mabuti na nga lang at bumalik ka, kasi nabuhayan ulit siya ng loob." Sabi niya atsaka ngumiti sakin.

Gusto kong maiyak sa sinabi niya dahil naaalala ko na naman 'yung mga nangyari. Hindi ko talaga maiwasang malungkot sa tuwing maaalala ko ang nakaraan. Ang pag- iwan ko kay James, ang pagkawala ng mga magulang niya at pagbagsak ng kompanya nila.

"Thank you Pen for staying beside James when he needed someone to lean on." I said habang may namumuong luha sa mga mata ko.

"Tss, ano ka ba, wala 'yun. Kung alam mo nga lang muntik na akong sumuko dahil sa katigasan ng ulo ng asawa mo. Mabuti na lang at dumating ka na bago ako umalis ng Pilipinas." Si Pen.

MY HIDDEN WIFEBasahin ang storyang ito ng LIBRE!