Isang babaeng maganda at maputi. Pangalan nya? Di ko alam eh. Basta alam ko lagi kami nagkikita, Kung san-san. Sa palengke, Sa mall, Minsan pati sa Kalye. Bakit nga ba kami pinagkikita? DESTINY NGA BA Ituuuuuu?
READ & COMMENT nalang po? :)
Thanks for READING!
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ako nga pala si Kurt, Kurt Cobain. Joke lang XD Kurt Montez. Senior ako sa School malapit banda dun sa mall. Kada umaga nilalakad ko lang papunta sa School. Walang araw na hindi ko nakikita si Ms. Unexpected. Yun nalang tawag ko sa kanya. Eh kasi, Di ko naman alam pangalan nya. Pero lagi kaming nagkikita ng walang dahilan. Mahinhin sya maglakad. Maputi, Naka-salamin atsaka mukhang matalino. Minsan gusto ko nang itanong kung anong pangalan nya dahil sa mga nangyayari. Nagkita na kami sa School, Nagkasabay din kami sa jeep, Nagkita sa KFC, at kung san san pa. Haaaaaaaay. Bukas, Lunes nanaman! Makikita ko nanaman sya.
Kinaumagahan, Ginising ako ng mommy ko. Late na daw ako! Ako naman tong' nagmamadali, Kasi baka di ko makita si Ms. Unexpected. Sayang kaya! XD Kung puwede lang ako pumunta sa School nila para malaman ko kung anong pangalan nya eh, Ginawa ko na sana! Kaso baka isipin nya stalker ako, Eh kasi nga diba lagi kaming nagkikita. Pagpasok ko sa School, Sinalubong ako ng bestfriend kong si Mark. Sabi nya,
"Kurt! Kumusta na yung babaeng lagi mong nakikita?"
"Ayun. Wala paring akong nalalaman tungkol sa kanya."
"Aw. Kawawa ka naman pre' Tingin ko, May oras din na magkakakilala kayo. Mukhang mahal mo na eh."
"Mahal mo mukha mo. Pag nagkikita lagi MAHAL agad?! Landi ah. XD"
"Joke lang pre'. Balik na ako sa upuan ko. Values time nanaman! Bakit ba kasi natin pinagaaralan to, Eh alam naman na nating kung pano ang paggalang."
"Balik ka nalang dun. Dami reklamo eh. XD"
Wow. Parang patama yung Lesson sa akin. "DESTINY" Yan yung lesson. Totoo nga ba yan? O hindi? Wala rin akong alam eh. Maaga sana ako uuwi ngayon para makita uli sya. Kaso Birthday ng tropa ko. Kailangan daw kasi nandun ako. Hm, Baka nga may oras talaga para kay Ms. Unexpected. Yung tropa kong' si Miko. May kambal syang babae pero di namin Schoolmate. Mika naman pangalan nun. Sabi ni Miko,
"Tropa! Punta ka ah! Antayin kita."
"Sige Pre! Di ako mawawala :)"
Dali dali akong tumakbo papunta kay Mark. Sabi nya kailangan na daw namin pumunta dun. Sige naman ako. Hinintay kami ni Miko sa labas ng Bahay nila este Mansion! Kung di nyo naitatanong, Rich Kid tong' si Miko. XD Pero kami, Siguro puwede na yung "Hindi mahirap pero Hindi rin mayaman XD". Sabi ni Miko,
"Pre! Buti nakarating kayo! Andito na yung iba nating mga kaklase! Tara pasok tayo!"
Edi pasok naman kami. Ang laki talaga ng bahay nila. Nakita ko yung kambal ni Miko. Kamukhang-kamukha nya talaga. (Kambal nga e diba). Kukuha na sana kami ni Mark ng pagkain. Sabi nya,
"Pre' tingnan mo yun oh. Ang ganda! CHICKS!"
"Babaero ka talaga."
"Sus. Palibhasa di ka maka-getover dyan sa Ms. Unexpected mo."
"Wala akong sinasabi ah!"
"Weh?"
Napatingin ako sa babaeng tinitingnan nya. Nagulat ako, Si Ms. Unexpected pala yung sinabi ni Mark. Hindi ko agad sinabi sa bestfriend ko kasi baka magulat sya at biglang lumapit at magtanong kay Ms. Unexpected. Sabi ni Mark,
