Chapter 14: The Second Gate

Van's POV

*PAK!*

"Aray! Puta! Bakit ba?!" bumalikwas ako sa kama dahil sa masakit na hampas sakin. Pwede namang gisingin ng maayos di ba?! Kahit kelan wala pang humahampas sakin para lang gisingin ako!

"Gumising ka na! Nakalimutan mo na bang pumunta ka dito para magtraining? Kanina pa kaya kita ginigising!" sigaw sakin ni Kisha. Asaaar!

"Babangon na nga di ba? Hindi makapag-intay"

*PAK!*

"Aray naman! Bakit na naman ba?!" Hampasin daw ba ako sa ulo? Tama ba ‘yon? Aish! Kundi ko lang talaga mahal ang babaeng ‘to. Nako! At kung sa ibang tao, baka napatay ko na kapag hinampas ako. Tss.

"Sinisigawan mo na ako ngayon? Ha? Hala sige! Bahala ka sa buhay mo! Bwiset ka!" tapos padabog siyang lumabas ng kwarto. Napabuntong hininga na lang ako. Galit na siya sakin. Haaay. Ewan ko ba. Hindi ko rin siya matiis kahit na feeling ko under na ako palagi sa kanya. Ako ang pinuno ng buong angkan ng bampira pero pagdating sa kanya siya ang boss. Van Rei Isaac Fenier Walker, under the saya sa kasintahan niya. Parang ang samang pakinggan. Haaay. Mas maganda sana kung under ako ni Kisha sa kama eh kaso sa ibang paraan.

Tumayo na ako at inayos ang sarili ko. Kailangan ko pa siyang lambingin. Hindi rin nama siya makakatiis sa charm ko. Sa gwapo kong 'to, tatanggi pa ba siya?

Lumabas na ako at hinanap siya. Nakita ko na lang siya sa may likod ng bahay at nagdodrawing na kung ano sa lupa gamit ang stick. Hindi muna ako lumapit sa kanya, panonoodin ko muna siya...

"Kainis! Siya na nga 'tong ginigising sya pa ang galit! Kainis talagaaaa! Ang sarap niyang gilitan promise!" sabi niya habang pinanggigigilan ang stick na hawak niya. Napalunok na lang ako at napahawak sa leeg ko lalo na nung binali niya ang stick gamit ang isa niyang kamay. Masama pala talaga kapag nagagalit si Kisha.

Lumapit na ako sa kanya at umupo sa tabi niya. Agad ko naman siyang niyakap at ibinaon ko ang mukha ko sa leeg niya. Hmm. Ang bango...

"Tss. Lumayo ka nga sakin"

"Sorry na po"

"Ewan ko sayo" sabi niya habang tinutulak-tulak ako...

"Sorry na. Pagod lang kasi ako kaya hindi agad ako magising"

She sighed... "Alam ko. Pero sana kapag alam mo namang may importante ka pang gagawin maging responsable ka. Wala yung mga butler mo para gisingin ka at importanteng bagay ang ipinunta mo dito kaya umayos ka" paliwanag niya sakin...

Hinalikan ko ang noo niya... "Oo na po Boss" then I smiled at ngumiti na din siya sakin...

*Meow* *Meow*

Napatingin kami sa bandang ibaba namin at nakakita kami ng isang pusa na medyo greyish ang kulay. Lumapit siya sakin at ikiniskis ang katawan niya sa paanan ko. Binuhat ko siya at inilagay sa lap ko...

"Kanino kayang pusa ito?" hinaplos ko ang malambot niyang balahibo at nilalaro naman niya ang isa kong kamay....

"Waaaaah! Ang cute naman niya!

Ibinigay ko siya kay Kisha na tuwang-tuwa na ngayon. Pinagmasdan ko lang siya habang nilalaro yung pusa. Ang cute niya. Parang ngayon lang siya nakakita ng pusa dahil kitang-kita mo sa kanya kung paano siya nag-eenjoy...

"Jiji! Asan ka na?" narinig namin si Lolo mula sa loob ng bahay na may tinatawag. Jiji? Sino si Jiji? May iba pa bang kasama si Lolo dito? At babae pa ha. Naks naman si Lolo nagawa pang manchicks!

The Perverted Vampire (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!