Kinaumagahan ay sabay kaming nagising ni Terrence pero nauna na ako sa kanyang bumangon dahil papikit pikit pa ang mata niya habang nag iinat sa kama. Lumabas na ako sa kwarto at naghanap sa kusina na pwede naming maalmusal.

Pasadong alas otso pa ng umaga kaya pwede pa kami makakain ng agahan. Habang abala ako sa kusina nakita ko na ngang lumabas na si Terrence habang walang pang itaas. Palapit siya sa akin hanggang sa napansin ko na may yumakap sa aking likuran.

Dahil doon natigil pansamantala ang pagluluto ko ng agahan nang maramdaman na humahalik na si Terrence sa leeg. Nakakaramdam ako ng kiliti doon. Favorite spot niya kasi ako halikan sa leeg kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nasasanay dahil doon.

"Ano niluluto mo hmm?"tanong niya habang hinahalik halikan niya ang leeg ko.

"Hotdog ,Omellete ,Embutido and of course hindi mawawala ang hinanda ko na toast bread para sayo."sagot ko sa kanya habang may ngiti sa kanyang labi.

"Okay ,sobrang thankful ako na hindi mo nakakalimutan ang favorite kong toast bread..."sabi niya kaya parehas kaming natawa dahil doon.

Tumingin ako sa kanya at abot langit ang ngiti ko na nakita ko ang gwapong mukha niya. Napadako ang tingin ko sa hubad niyang pangangatawan. Masasabi kong sobrang naaalagaan niya ang katawan niya kahit na masyado siyang busy sa ospital.

"Umagang umaga nakakakita na agad ako ng pandesal...."napakagat ang labi ko nang masabi ko yon. Narinig ko ang mahinang halakhak ni Terrence na parang may nakakatawa sa sinabi ko.

Totoo naman kasi ,masarap ang pandesal sa umaga kaso gusto ko yung sa kanya!

"Really Aifha? in the middle of our cuddle in the kitchen?"he sexily chuckled ,"Gusto mo ba?"

Dahil doon napaangat ang tingin ko sa kanya. May ngisi sa kanyang mga labi na parang nang aakit. Sumimangot ako dahil nadadala ako sa mga pang aakit niya!

"Ewan ko sayo! Umagang umaga puro kahalayan ang nasa utak mo!"pinagdilatan ko siya ng mata dahil doon.

"Why? ikaw ang nagsimula. Gusto mo ng pandesal ko!"

I rolled my eyes ,"Umalis ka na nga sa harapan ko! Umupo ka na doon at hintayin mo na lang ako!"saka ko siya tinalikuran dahil doon. Napakagat ang labi ko dahil sa pinagsasabi ko sa kanya ngayon.

Haynako Aifha ,umagang umaga iba ang inaatupag mo!

Mabuti na lang at sumunod si Terrence sa akin dahil nung pumunta na ako sa dining area ay nakita ko na siya nakaupo — ang kaibahan nga lang ay nakasuot na siya ng puting sando. Mabuti na rin yon na nagsuot siya kaysa ibalandara niya ang katawan niya dito. Baka maintimate na ako sa kanya. Mahirap na at baka hindi ko mapigilan na halikan ko siya!

Habang kumakain kami ay napansin ko na nakatitig siya sa cellphone niya at kunot na kunot ang kanyang noo. Kaya mas lalong nadepina ang makakapal na kilay niya dahil sa pagkunot niya.

"What's wrong?"ako na ang naunang nagtanong.

Napatigil siya sa pagtatype sa cellphone niya nang balingan ako ng tingin. Seryoso ang mukha niya at walang ka ngiti ngiti.

Hinintay ko siya ng ilang minuto para sagutin ang taniong pero mabuti at sumagot siya.

"Mommy texted me. May alis ako mamayang gabi."sagot niya na walang ka-gana gana.

My eyebrow furrowed ,"At saan ka naman pupunta?"

Nagdadalawang isip pa siya sabihin yon pero kalaunan sinabi niya.

"Birthday ni Ross ngayon ,"tipid na sagot ko kaya biglang nagbago timpla ng mukha ko ,"May hinandang party ang Daddy ni Ross ngayon at inaasahan akong pumunta doon."

 The Thousand Of Ways (Reclamation Series #2)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें