Chapter 22Cat Villanueva
Bakit nagising ang Bessy niyo ng masaya? Malamang sino ba naman ang hindi magiging masaya kung ganito ka gwapo ang bubungad sa iyo pagkamulat ng mga mata mo.
Dahil ayaw kong ipakita ang kilig ko kaya nagtalukbong ako uli ng comforter. Oh, sosyal ang bessy ninyo kasi hindi na naka kumot kundi comforter na, ikaw ba naman ang kwarto ay dalawa ang split type aircon tapos may ceiling fan pa na chandelier hindi ba naman na mala Antarctica ang lamig 'di ba?
Pero sandali? Bakit nga pala nandito sa kwarto ko itong si Russel? Dito ba siya natulog kagabi? Kasi akala ko nong nakatulog na ako kakatitig sa kanya ay umalis na siya.
Wait? Baka naman nagha-hallucinate lang ako? Minsan talaga kapag sobrang overthinking ko ay nababaliw talaga ako tulad ngayon.
Kaya inalis ko ang pagkakataklob ko sa comforter. Siya pa rin ang bumungad sa akin at naka crossed arms na siya.
"Bangon na, kailangan mo na mag-almusal, iinom ka pa ng mga vitamins mo tapos may mga pupuntahan tayong mga seminars at workshops ngayon."
"Huh? Saan naman? Day-off ko kaya ngayon gusto ko lang humilata maghapon eh," Sabi ko at saka walang kyeme na nag stretching ng mga braso.
"Tapos ano? Maghapon na hindi ka maliligo at suot mo ang pajama mo hanggang gabi?" wika niya na may kasamang pang-aasar.
Napanganga ako. Kita mo ang lalaking 'to?!
Pinameywangan ko siya. "Hoy, grabe ka ah! Kay aga-aga daig mo pa ang Inay ko magtalak d'yan ah."
Kasalanan ko ba na sobrang lamig at bango ng buong Condo na ito na mukhang hindi napapasukan ng mikrobyo o bacteria dahil totoo naman na kahit hindi ako maligo maghapon ay hindi ako nangangamoy. Palibhasa kasi silang mga wala sa third world country ay kala mo galit na galit sa konting dumi.
Pero mukha namang hindi siya maselan. Baka hygienic lang talaga na sa sobrang sungit niya pati ang mga mikrobyo ay nagsisiiyakan.
"Kasi nga anong oras na. Past seven na dapat ka na mag breakfast kasi you almost skip the almusal. Don't skip morning meals." Saad niya.
Jusmiyo! Past seven palang naman pala. Talaga nga naman oh. Iba talaga kapag nasanay na sa sariling apartment na gigising lang ako at babangon kapag ginusto ko na. Pero alam ko na iba na ngayon dahil may dinadala akong kambal.
"Heto na, babangon na po..."
Tumayo ako at pinakiramdaman ang sarili. Mabuti naman at hindi na ako gaano nakakaramdam ng morning sickness ngayon. Unlike nitong mga nakaraang linggo. Siguro dahil na rin sa mga iniinom kong vitamins. Mabuti hindi ako ganoon kaselan kasi nilalamon ko lahat ng pagkain. Ganito yata talaga kapag kambal ang pinagbubuntis lahat gustong kainin pero wag lang sobra dahil naka monitor din sa tatay nila na OBGyne ang lahat ng vitals ko maging ang weight ko even my blood pressure, sugar, kulang na lang yata pati lahat ng laboratory test. Sabi ko 'wag naman ganyan ka OA kasi Nurse naman ako na papunta na nga sa veteran. Kaya nga madalas ko siyang nakakaaway noon. Kasi lagi talagang nagbabangayan ang Veteran nurses at Doctors.
BINABASA MO ANG
The Doctor Series 3: Reaching You
RomanceCat Villanueva is the Headnurse of HC Medical City at nabuntis siya ng kinaiinisan at mortal enemy na Doktor. Ito ay si Rat Velaroza, isang OB-GYN. Ayaw sa kanya magpa-prenatal check-up ni Cat. Kaya ang ginawa niya ay pina-blacklist niya ito sa la...