TOTS 3

3.6K 79 15
                                    

Chapter 3

Buong weekend akong hindi napakali dahil sa nangyari, nag-iisip ng paraan paano ko maibabalik ang one thousand ni Wyatt. Alam ko namang marami siya no'n, baka nga barya lang 'yon sa kanya.

Pero kahit na, hindi ako sanay na may nanglilibre sa akin ng gano'n kalaki! Atsaka may pera naman akong pamasahe, mukha ba akong walang pera? Naghihirap sa mukha ni Wyatt? Naawa ba siya sa akin?

Maayos naman itsura ko no'n ah, kaya hindi naman siguro.

Nakapalumbaba ako sa aking mesa habang mabilis na tinatambol ang dalawang paa sa sahig. Nag-aantay na pumasok si Wyatt sa room.

Sa bandang dulo kasi ako sa kaliwa nakaupo, at siya naman ay sa bandang kanan sa harap. Dahil best student siya, at lagi raw siyang napapatawag kahit sa kalagitaan ng klase. Inilagay na siya ni Sir Heras sa malapit sa pinto.

Sumimangot ako nang may pumasok sa room pero hindi siya. Malapit na magbell at magsisimula na ang klase. Alam ko namang hindi malalate 'yon, maaga iyon lagi pumapasok. Minsan nga nauunahan niya pa yata magtime in ang utility. Ewan ko ba. Pasikat palang ata ang araw pumupunta na iyon sa school.

Nandyan rin naman ang bag niya sa upuan, baka natawag lang iyon, o kaya may iniutos sa kanya. Tumaas ang kilay ko nang si Sir Heras na ang pumasok. Wala siya? Wala talaga siya?

Ngunit nabawi rin iyon agad nang sumunod siya sa likod nito, dala-dala ang mga notebook namin na kinolekta ni Sir last week.

"Good morning class! Go back to your own seats!" ani Sir Heras.

Umupo na si Gabi sa tabi ko at hinampas ako sa braso. "Aray! Bakit?" reklamo ko.

"Si Wyatt oh," turo niya.

Alam ko.

Nang-aasar na naman ang babaeng 'to, hindi niya alam naunahan ko na siyang makita iyon. "Ano'ng gagawin ko?" pamimilosopo ko sa kanya.

Tinakpan nito ang bibig at parang kinikilig, kumunot ang noo ko sa inasta niya. Humilig pa siya sa akin at bumulong. "Hindi ka pa nagkwento, kamusta pagbisita mo sa bahay niya?" pag-usisa niya. Sumandal na ako sa backrest ng upuan at itinuwid ang tingin sa harap.

"Ayos naman, ang ganda ng bahay niya. Parang bahay ng Presidente."

"Totoo? Hindi nila iyon pinapa-feature kahit sa mga news o magazine. Maganda talaga?"

"Oo, parang bahay sa ibang bansa."

Tumigil na rin siya magtanong pagkatapos noon. Nagsimula na rin si Sir Heras para magklase.

Buong araw ay ganun lang ang naging cycle sa klase, paulit-ulit lang rin. Hindi ko na nga namalayan ang paglipas ng oras, mag uuwian na pala. Sa kakaisip kung paano ko iaapproach si Wyatt, at kung paano ko siya mapapa-payag na tanggapin ang pera.

"Inah, tara na! Coffee shop!" yaya ni Gabi at tumayo na. Gano'n rin ako.

Nang makita kong lumabas na si Wyatt dala ang bag nito, isinuot ko na rin ang bag.

"Next time na lang, may gagawin pa ako!" tanggi ko at lumakad na palabas.

Narinig ko pa si Gabi na may sinasabi pero iniwan ko na siya, sinundan ko si Wyatt. Aantayin ko muna sa wala halos tao bago ko siya tawagin. Palinga-linga pa ako at baka may makahalata na sinusundan ko siya, sa kakasunod ko ay umabot na kami sa kabilang building.

Huh? Bakit siya pumupunta rito? Ang alam ko building ito ng mga senior high. Umakyat siya hanggang third floor, medyo hinihingal na ako sa dami ng nilakad namin!

At mukha akong stalker nito ha! Tatawagin ko na nga siya, baka ano pa ang isipin niya sa akin. Lumiko ito sa dulong parte ng third floor, hayst! Nakakapagod naman ang routine niya araw-araw!

Trophy of the Sunsets (Tonjuarez Series II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon