COPYRIGHT © TrenzEbor_2013
Loving You Instead ...
-------------------------------------------
( ALEIN )
"Rhei, dito ka sakin tumira."
Nakadapa ako sa king kama. Kausap ang kaibigan kong les. Oo! Babae siya na may pusong lalaki.
"Ibabahay mo na ko?" Sa tono ng boses niya alam kong nakangisi siya ngayon.
"In your dreams!" Pataray kong sagot. "Oo na, oo na. If that's what you think. Ibabahay na nga kita." Sabay bawi ko.
"Kakalabanin ko si Jad? Hindi ba ko i-pasalvage niyan?"
"Bakit nya gagawin yun? Kanya ngang ideya ito e." Sagot ko, sabay dapa mula sa pagkatihaya sa aking kama.
"Hindi sya nagseselos?" Tanong pa niya na may tonong pagtataka. Hindi ka mahal no'n!"
"Seriously? At bakit ka nya pagseselosan ni Jad? Besides, malaki tiwala sakin no'n?" Umingos pa ko, na akala mo kaharap ko ang kausap ko.
"Hindi nya alam ang past natin?"
"Anong past ang pinagsasabi mo Rhealyn?!" Napataas ang kilay ko. Lokong ito ah!.
Goodluck sa marami kong facial expressions.
"Sige, i-deny mong ex kita."
"Siraulo!. Pano ba tayong naging mag-ex ha?"
Ang ugok kong kausap, tatawa tawa pa sa kabilang linya.
"Alam halos lahat ng nakakakilala sa atin na naging tayo. Nagtataka nga ko bakit hindi iyon nakakarating kay Jad mo."
"Actually alam ni Jad ang 1week drama scenrio natin no?!" Mataray kong sabi.
";Di nga?"
"Oo! Kaya, wala kang pamblackmail sakin!"
"Ayokong tumira d'yan sayo!" Bigla sumungit ang loko
"Ang arte mo naman. E di wag!"
"Kakatulungin mo lang ako d'yan, Alein. Alam na kita!"
"Ang kapal mo Rhealyn, ah!. FYI, may labandera at tagalinis ako."
"Demanding ka kaya."
"Ewan ko sayo." At pinatay ko na ang linya.
"Kainis yun. Sabihin lang na ayaw, dami pang sinasabi." Bulong ko.
Tumayo na ako at nagmartsa na ako papasok ng Banyo.
I'ts friday. Jad's rest day.
Les din sya.
We've been together for 5 years. She's sweet, I guess? I smirked! Super Galante kahit hindi ko naman needs.
If you think na kanya ang condo na tinitirhan ko, well it's not. It's my property 7 years already. My family? Nasa Spain ang parents ko. My Dad is a spanish. Ayaw nya dito sa Philippines. Si mommy, hindi no'n kakayanin malayo kay Dad kahit saglit. I've a two sisters, ay kuya pala yung isa. Les din kasi. She's Aliah, 30. May German live in partner s'ya. My pretty sister Andaleen, 28. She's already married with a Frenchman. I've a 2 cutie pamangkins already sa kanya.
Ang hirap pumi ng clothes kapag si Jad and i-mi-meet. She wants me to look so feminine. Gusto nya mag-make up pa ko.
Sabagay, for sure sa fine dining restaurant ang dinner namin. Para hindi ako outcast, kailangan magbihis ako ng tama. Kahit hindi ko naman talaga personality ang magpaka-feminine. I love wearing jeans and loose shirts with pair of chucks or rubber shoes. Pero ngayon kailangan kong magpakababae.
