A/N; this part is dedicated to marvy escarlan bermillo,

.Frits's POV;

"Frits, kamusta naman ba kayo ni Ally? Tanong ni Luke sakin,

"Psh! Bakit mo tinatanong?"

Nagkibit balikat si Luke, "Wala lang kasi sa nakikita ko, parang bumabaliktad na yata ang nangyayari. Mukhang ikaw ang na fafall kay Ally."

Tinitigan ko siya ng masama, "Wala kang pakialam Luke!"

"Okay Fine! "

"Oo nga pala Frits, nabalitaan mo na ba na dito na sa Saint Paul  mag aaral ang magkapatid na KIM, si Maddison Kim at Maureen Kim,"ani Troy.

"Bwiset! na matandang yan. Sinasabi ko na sa kanyang wag na wag tatanggapin ang mag kapatid na yon dito sa school!"

"Anong gagawin mo Frits?"

"I'll talk to my Dad!" Pagkatapos. Kinuha ko ang bag ko at umalis   agad ako at sumakay sa kotse. Nguniti hindi pa ako nakakalayo ng makita kong naglalakad si Ally. Agad ko yon hinintuan.

"Baby! Where are you going?" Tanong ko sa kanya, wala naman akong planong hintuan siya. pero kapag ini-isip kong si Zyrus ang kasama niya kapag hindi ko siya hinintuan. nawawala lahat ng plano ko. basta ang alam ko lang. ayokong makitang kasama ni Ally si Zyrus,

"I'm looking for you! Ngumiti siya sakin.

Ngumiti ako sa kanya, ngayon ko lang napansin na maganda pala si ally kapag ngumingiti,

"Oh! I'm sorry baby,  Hindi ako nakapag paalam sayo. Let's go! Sumama ka sakin," binuksan ko  ang pintuan ng kotse ko. agad namang sumama sakin si Ally,

"Saan tayo pupunta Baby?" Tanong ni Ally,

"Sa bahay."

"Mag di-ditch na naman tayo?" Tanong niya.

"It's okay! Akong bahala sa professor mo!"

"Okay, Sige! " sagot ni Ally, kahit naman kasi hindi sya mag ditch wala na din syang maiintindihan sa ituturo ng professor nila. Dahil alam kong tamad din mag aral si Ally.

"Ahmm...Baby! Matagal na ba kayong magka kilala ni Zyrus?" panimula  kong  tanong.

"Yap! Childhood friend ko siya. Kaming dalawa lang ang laging mag kasama simula ng mga bata pa kami, ang Mommy nya ay Ninang ko, bakit mo pala naitanong?"

"Aahh! Wala naman! magkasama  kasi kayong pumasok sa school kanina eh,"

"Nagseselos ka ba Frits?"

"H-ha?"

"Sabi ko kung nagseselos ka kay Zyrus?"

Saglit akong napaisip, nagseselos ba ako? Hindi dapat mangyari yon, hindi ako dapat magselos kasi lahat ng ito ay puro pag papanggap at paghihiganti lang sa kanya  "Hindi naman! Alam ko namang loyal ka sakin diba?"

"Syempre naman! Thank you pala Frits. At natutunan mo na akong mahalin, sobrang saya ko talaga!"

"Ako nga din, siguro ginayuma mo ako noh! "Birong ko sa kanya.

Tumawa si Ally, "Alam mo Baby. bigla kong naiisip ang sinabi Dianne, Na baka daw ginayuma kita. Pero Hindi ko yun gagawin! Masyado ka naman yatang gwapo para gamitan pa ng Spell mapa-ibig lang."

"Hahaha! Gwapo naman talaga ako ah!" Kumindat pa ako kay Ally,

"Sus! Ang yabang!"

"Ally..

"Hmm.. Bakit?"

"Pwede bang yakapin mo ako habang nag da-drive ako. Eh, kasi nilalamig ako."

Unti-unting namumula ang pisngi ni Ally, "ha! Sige.. "

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 1(Published Under PSICOM)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!