Chapter Sixteen

NAOMI.

"Nag loading na ba, ha? Nag loading na?" tanong ko kay Kryzel habang nakapikit ako at nakaharap sa computer screen dito sa loob ng isang computer shop sa tabi ng university namin.

"Nag loading na!"

Dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko at nakita kong hindi pa rin nag l-load ang site ng school namin. Inis kong tinignan si Kryzel habang patawa tawa siya.

"Ano ba! Kabadong kabado na nga akong makita ang grades ko!"

"Eh kasi para kang timang diyan bes. May pa-pikit pikit ka pa eh titignan mo rin naman."

Napakamot ako sa ulo ko. Feeling ko kasi talaga napahamak ko ang Basic Finance subject ko. Pag nagkataon, katakot takot na sermon ang aabutin ko sa mga kuya ko.

Oo, sa mga kuya ko. Malakas pa silang manermon kesa kay papa.

"Ayan na! Totoo na talaga!" sabi ni Kryzel at muling napabalik sa computer screen ang tingin ko.

True enough, nag load na nga ang page at nakabalandra na sa harapan ko ang grades ko this sem.

Foreign Language 2 - 2.00

Basic Finance - 2.50

Nakahinga ako nang maluwag ng makita ko ang halos pasang awa kong grade sa Basic Finance. Halleluja, mahal ako ng Diyos!

Tinignan ko ang iba ko pang grades.

Social Science 5 – 1.50

HRM 12 – 2.00

HRM 13 – 2.25

HRM 14 – 2.25

HRM 15 - 1.75

Math 13 – 2.25

Tour Plan – 1.75

"Oh, okay naman pala ang mga grades mo bes,eh!" masiglang sabi ni Kryzel. "Hindi na babawiin ni tito ang pang Palawan mo. Mapapanuod mo na kami ni Drew!"

Napabuntong hininga ako, "hay salamat bes. Akala ko talaga bumagsak na 'ko sa Basic Finance na 'yon. Tokwa 'di talaga ako pwedeng humawak ng pera! Wala akong future."

"Oh my gosssh! I'm doomed!" dinig naming tili ni France mula sa kabilang cubicle. Dali-dali kaming sumilip ni Kryzel para tignan ang grades ni France.

Nat. Sci 2 – 3.50

"What the hell, France?!" sabi ni Yannie while she's looking at France's grade in disbelief. "You're a pharmacy student yet simpleng Nat Sci, ibinabagsak mo?"

"Duh! Terrorista kaya ang prof namin doon! Kamag-anak ni Bin Laden," sabi ni France sabay irap.

Tinapik-tapik ko sa braso si France, "okay lang yan France, may midterms at finals pa naman. Pag bumagsak ka, mag shif tka na lang sa HRM.""

"Gaga anong kinalaman ko sa pag gawa ng pagkain?! Baker king?! Taga kain lang ako 'no! Tsaka gamot ang ginagawa ko hindi pagkain!"

"Hi girls! .... And gay!"

Napapikit ako nang marinig ko ang boses na yun. Ang lakas din naman talaga nitong si Stephen Cruz! Boses pa lang niya, gusto ko nang mag amok, humawak ng armalite, at barilin lahat ng tao rito dahil nagiinit ang ulo ko.

Operation: Break the Casanova's Heart (Editing)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!