XXXII - Level

111 11 0
                                    

Pagkatapos naming magtawanan ng parang mga baliw, isa-isa na kaming nagpaalam upang pumasok na.

Unang umalis si Luca, parang nawala na ang sakit na kanyang nararamdaman, salamat kay Dawn. Kagaya ng dati nginitian niya kaming lahat at kinindatan si Gaby. Mukhang gusto talaga siya nito.

Isang irap ang binigay ni Gaby, na ikinatawa naman ni Luca.

"Ms. Sungit". Ngiting sabi ni Luca pero hindi na pinansin ni Gaby.

Pagkatapos ay inihatid naman namin ni Dawn si Gaby sa kanilang silid. Isang ngiti ang ibinigay ni Gaby at nagpasalamat.

"Kita na lang tayo mamaya, hintayin mo ako ah." Sabi sa akin ni Gaby sabay kurot sa pisngi ko.

Tumango naman ako. Sabay na kami ni Dawn, na bumalik sa aming silid.

"Hindi pa rin ako makapaniwala na ginagawa iyon ni Gaby." Sabi ni Dawn habang patuloy kami na naglalakad.

"Maski ako Dawn, nagulat din ako sa ginawa niya." Sagot ko.

"Buti na lang at walang nakapansin sa kanila kanina."

"Iyon nga din yung iniisip ko kanina, paano kung may nakakita sa kanila. Tas nalaman pa ng mga guro o ng Concrelus. Siguro malaking parusa ang matatanggap nila, lalo pa't parang muntik ng mapatay ni Gaby si Luca."

"Hmm buti na lang talaga, si Luca naman kasi anlakas kung makapagbiro."

"Natural na lang siguro sakanya iyon." Nasabi ko dahil naalala ko pa noong una kaming nagkita ay biniro niya rin ako. "Alam mo, hindi ko talaga napigilan yung tawa ko kanina."

"Ah eh, akala ko nga hindi kayo matatawa." Bigla na lang parang nahiya si Dawn, na sinabi niya iyon kanina.

"Uhm Echo." Sabi ni Dawn parang may gustong sabihin.

"Bakit?" Hinintay ko ang sagot niya, parang bigla na lang siyang naging seryoso.

"May alam ka ba tungkol sa propesiya?" Diretsong tingin sa aking mata ni Dawn.

"Propesiya?" Buong pagtataka kong sinabi."Wala akong alam sa sinasabi mong propesiya."

"Hindi mo alam kung sino ang itinakda?" Seryosong tanong sa akin ni Dawn, para bang nagsisinungaling ako sakanya.

"Dawn, wala akong ideya sa mga sinasabi mo. Hindi ko alam kung ano yang sinasabi mong propesiya at itinakda. Kailangan ko bang malaman yan." Sabi ko sakanya, pero tinignan niya lang ako. Parang gusto niyang lumabas sa bibig ko na alam ko ang propesiya at ang itinakda. Itinakda na ano? Ilang segundo bago nagsalita si Dawn.

"Wala, wala pasensya ka na Echo." Sabi niya, hindi namin napansin nasa likuran lang namin si Sir Ysmael, hindi ko alam kung matagal na siyang naroon.

"Mr. Summers at Ms. Oak, kung ano man yang pinag-uusapan niyo, mamaya niyo na lang ituloy dahil magklaklase na tayo." Sabi niya na may ngiti sa kanyang labi.

Naputol na ang usapan namin ni Dawn, hindi malinaw kung ano ba ang propesiya, at kung sino ang itinakda. Parang gusto ko tuloy malaman.

Ilang dipa na lang ang layo ng silid namin, nauna ng naglakad si Sir Ysmael tsaka namin sinundan. Parang nahihiya na naman ako dahil pangalawang beses niya na kaming sinita dahil sa pag-uusap.

Pagkarating namin, naroon na ang lahat ng estudyante pati na si Gerald. Tahimik, malamang natatakot pa rin sa ginawa ni Sir Ysmael.

Hinintay muna naming umupo si Sir Ysmael bago kami. 12:55 palang, nag-ayos muna ng gamit si Sir Ysmael pagkatapos ay tumingin sa relo na nasa kanyang kamay.

CamelliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon