Elise
Bakit nakakaramdam ako ng ibang atmosphere ngayong araw?
Binuksan ko ang bintana at nasilaw ako sa sinag ng araw na nakatapat sa mukha ko. Ang init.
Pinunit ko ang nasa kalendaryo. Panibagong buwan na naman. Malapit na magpasukan. Tinitigan ko ang mga ibon sa labas, masayang nagkukwentuhan pero may nararamdaman akong mangyayaring iba.
"Elise. 10am sa may park niyo." Voice message ni Jungkook. Ang medyo bata niyang boses ang nagpagising sa katauhan ko. Inaantok pa ko.
"Elise? May gala ba kayo mamaya ng BTS o ni Hanna? Sama ako!" Text naman ni Jaehyun.
"Sige sige! Text kita mamaya kung meron~" Sagot ko. Sa tingin ko seryosong usapan ang gagawin namin ni Jungkook mamaya, maaring, hindi masyadong personal, maaring saming dalawa lang, at pwedeng problema niya sa mga kagrupo niya. Wala naman akong nakikitang dapat ikaproblema sa Bangtan. Ayos naman ang relasyon nila sa isa't isa. Alam kong hindi maiiwasan ang away sa kanila pero sa tingin ko naman nao-overcome nila yun kahit papano. Na hindi naman siguro kailangan ng tulong ko. O kung ano man yun. Sana yung nararamdaman ko ngayon hindi totoo. Sana hindi mangyari tong kutob ko.
9:50am.
Nagbisikleta ako papunta sa meeting place namin ni Jungkook. Sa may park kung saan lagi kaming nagkikita ni Jaehyun. Ang init ng hangin. Medyo gitna na ang araw kaya tutok na tutok sa balat ko. Pero dahil sa hangin, kahit mainit, nawawala din naman.
Nakita kong nakaupo si Jungkook sa pwesto o inuupuan din ni Jaehyun. Agad kong naisip si Jaehyun. "Uy!" Bati ko. Agad naman siyang tumingin at ngumiti. But I think it's weak.
"Ano yun?" Habol ko.
"I really don't know how to say this." Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Hinawakan niya ang kamay ko dahilan ng paginit ng mukha ko. Tumulo ang pawis mula sa noo ko papuntang pisngi ko. Gusto kong punasan pero paano? Sa gantong sitwasyon dapat na hindi ko iniintindi ang mga walang kwentang bagay pero iba ang sinasabi ng utak ko. Ayoko ng ganitong sitwasyon. Pero wala akong magawa. Parang gusto kong ifocus ang atensyon ko sa kamay niya pero sinasabi ng buong katawan ko na paringgan ko ang heartbeat ko, at pakiramdaman ko lahat sa paligid at wag siyang pansinin. Tinanggal ko ang kamay niya at agad akong ngumiti. "Bakit? HAHAHAHAHA." Ang gwapo niya. Ayokong titigan ang mata niya.
KAMU SEDANG MEMBACA
Fangirl's Diary (Completed)
Fiksi PenggemarAng diary-ing to ay hindi lang basta diary. Maaring may mga extra FEELS, MINI-HEART ATTACK, IYAK DUGO, FLIP TABLES, PAGWAWALA, AT PAGKANTA NG KA-ALIENAN na hindi angkop sa mga HINDI FANGIRL. NO SOFT COPIES © COPYRIGHT 2015
