chapter 11 pa-order

15.8K 136 8
                                    

Sumakit ang katawan ko kahapon,Ang sakit ng binti ko siguro dahil sa kakatakbo ko kahapon.Ngayon na ang simula ng trabaho namin ni Liza.Pero ako maaga ako papasok kasi buong araw ang trabaho ko si Liza mamayang gabi pa.Papunta na ako ngayon pagtatrabahuan kong restaurant.De’vouge restaurant.Mukhang napaaga yata ako ng pasok dahil kaunti pa lang kami.Karamihan sa mga nagtatrabaho dito ay mga working students,Nagsmile sakin ang isang babae na mukhang kasing edad ko lang,

‘hi,’ bati niya sakin  ‘ikaw yung bago diba?’

‘oo,Jade nga pala’  tapos inabot ko ang kamay ko para makipagshake hands,tinanggap naman niya.

‘Luisa’  pakilala niya.  Tinuro niya kung saan ang locker ko at inabot rin nya ang uniform ko.Pagkatapos kong magbihis tinulungan ko siya sa pag aarange ng mga table at nilinis din namin ang bintana may isa pa kaming kasamang lalake Mas matanda ata kesa sa samin.Pinakilala ako ni Luisa sa kanya .

‘Daniel, si Jade nga pala bagong waitress dito’  pakilala ni Luisa kay Daniel,Tapos tumangolang si Daniel at itinuloy ang pag mamop.

Tinuruan ako ni Luisa sa mga ibang Gawain dito sa resto,Ang bait naman niya,Natandaan ko naman ang mga tinuro niya sakin.May mga costumer na kami kaya sisimulan ko na ang trabaho.

‘waiter’  tawag sakin ng first costumer ko,Lumapit naman ako para kunin ang order niya.

‘Fettuccine Alfredo with Vegetables and Mushrooms and ice tea’

May tumawag na naman sakin tapos kiinuha ko ang order,Tapos padami na ng padami angumorder kaya naman pag dating ko sa kusina nalilito ako sa sa mga nilista kong order yung iba kasi di ko nalagyan ng number.Napansin ako ng isa sa mga cook kaya nilapitan niya ako.May katandaan na siya at sa tingin ko ay magandang lalake ito nunyg kabataan niya.

‘bago ka ba ditto?’ tanong niya sakin habang nakatingin sa hawak kong listahan.

‘ah opo’ tiningnan niya ang name pin ko

‘ok jade sa susunod wag kang kukuha ng maraming order tigtatatlo lang ha para di ka malito’ sabi niya sakin then kinuha niya yung listahan ko tapos pinaalis na niya ako’

‘sige kumuha ka lang ng order dun ako na lang mag aayos nito ok, tigtatatlong orderlang hah’

Sa tingin ko mabait siya,Lumabas na ako sa kusina.Tapos kinuha ko na naman yung order ng iba.May tumawag sakin sa isang table dalawang lalake ang nakaupo dun siguro may relasyon sila hehehe,Kinuha ko ang order nila tapos sabi nila maghintay daw ako ng ilang Segundo kasi dadating na yung kasama nila,Ano bang pakialam ko sakasama nila pwede naman nila akong tawagin ulit pag dumating na diba?Dumating na rin sa wakas ang hinihintay nila.Ako naman nakatayo pa rin sa harap nila naghhintay ng oorderin nila.

‘sige na umorder ka na’  sabi nung lalakeng nakaputi’

‘ah Pasta with Beef’ tapos tumingin siya sakin,Di ko na lang pinansin kasi sinuslat ko pa yung order niya.

The boys next doorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon