Natatawa na lang ako sa expression ng muka ni mama at nung lalaki.

"Uhmm ehem. Alam kong maganda ako pero baka matunaw ako." Tumingin ako sa lalaki at nginitian ko s'ya ng fake. Pinandilatan naman ako ng mata ni mama.

"Ma umalis ka na d'yan. Magdadate pa kami diba?!"

Tumayo s'ya at lumapit sa'kin. "Umayos ka Lory ha?!"

"Oo ma." Pagkatapos kong sabihin 'yun ay umalis na s'ya. Umupo naman ako sa pinuwestuhan ni mama. Syempre kaharap ko yung lalaki.

"Good evening Lor---"

"Hindi maganda ang evening ko." Pagtataray ko sabay hawi ng buhok. Ang bongga ko talaga. "Waiter!"

Lumapit naman agad ang isang waiter. "Yes ma'am?"

"Bigyan mo ako ng lahat ng pagkain n'yo dito." Hindi naman ako yung gagastos eh kaya ayos lang. Eat-all-you-can ang peg ko dito.

"A-are you sure m-ma'am?" Bingi ba s'ya?!

"I'm absolutely sure! May reklamo ka?!" Sungit ko ba?

"O-okay." Dali-dali namang umalis agad yung waiter.

"Ano nga pala pangalan mo?" Tanong ko sa kanya.

"B-ben Mendrez."

"Ben?" Nagdilat-dilatan ako ng mga mata. "Ang panget naman ng pangalan mo!" Sigaw ko sabay hagalpak ng tawa.

Nagtinginan tuloy sa'min yung mga tao sa loob ng restaurant. 'Di na ko mahihiya, sanay na 'ko sa ganitong eksena eh. Mga ilang beses na ba itong nangyari? 21 times? I don't remember na eh.

"Hinaan mo naman yung boses mo. Nakakahiya sa kanila." Sabi n'ya sakin. Medyo napangiti naman ako. Mukang uubra yung plano ko.

---

"Here's your order ma'am. One str---"

"H'wag mo nang sabihin, baka mapagod ka pa sa sobrang dami." Nakakainis talaga yung mga ganitong waiter!

"O-okay po ma'am."

"Pakilagay na lang yung ibang pagkain dun sa ibang table." Hindi kasi kasya sa table namin yung mga pagkain. Sobra ba namang dami, as in para akong patay gutom!

"Mamaya na lang po namin ibibigay yung bill. Enjoy your food." Umalis na ulit yung waiter kaya't muli kaming naiwan ni Ben dito.

"Tao ka ba talaga?!" Medyo naiinis na sinabi n'yang sinabi sa'kin.

"Hindi. Halimaw ako." Inuna kong kainin yung lasagna. Sinalampak ko agad ito sa bibig ko. Medyo nahihirinan pa nga ako eh. Nung nakita ko yung muka n'yang nakanganga tapos dilat ang mga mata, natawa ako kaya naibuga ko yung lasagna sa muka n'ya.

Ang Manyak kong AsawaBasahin ang storyang ito ng LIBRE!