Constance Grace has been forced into hiding and is currently waging a battle to stay alive. She is resolute in her mission to locate Ludovic Luciano, one of the Capodecina of the influential Mafia Organization, Luciano Famiglia, in order to learn ho...
Sinundan ko siya nang tingin para makasiguro at mukhang tama ang hinala ko dahil sumusulyap siya paminsan-minsan kay Ludovic Luciano. Okay lang naman sa akin dahil sure naman akong mas maganda ako sa kanya ng 'di hamak. Sorry na lang ate girl pero ako talaga ang future ni Ludovic Luciano.
Habang iniinom ko ang tubig na ibinigay ni ate girl kanina ay tahimik akong nanonood sa kanila. Pinipigilan kong gumawa ng kahit na anong ingay dahil ang totoo n'yan, mas mukhang matapang pa iyong dalawang serbidora kaysa rito kay Ludovic Luciano. At nang matapos silang dalawa sa paghahanda ay kaming dalawa na lamang ang naiwan ni Ludovic Luciano rito sa dining table. Kanina pa rin huminto ang tugtog kaya nakakabingi ang katahimikan ngayon. Sa sobrang tahimik ay kahit na magkalayo kaming dalawa ni Ludovic Luciano, pakiramdam ko maririnig niya ako kahit bumulong lang ako sa pagsasalita.
Mukhang wala siyang planong magsalita kung kaya't tumikhim na naman ako pero this time ay nagsalita na ako. "Sorry..." umpisa ko.
Tumingin sa akin si Ludovic Luciano kaya nag-iwas ako ng tingin. Inabot ko ang kutsilyo na para sa steak at inumpisahang hiwain ang steak sa harap ko. Parang ang tigas naman yata nitong karne. Hindi kaya dahil parang hilaw pa ang pagkakaluto nito? Parang may dugo pang kumakatas mula sa karne, eh.
"For what?" he asked.
"Dahil wala akong dulot kagabi?" patanong na sagot ko.
Walang ekspresyon n'yang ibinaling ang tingin sa pagkain na nasa harap niya at inumpisahang abutin ang kutsilyo para hiwain ang steak na nasa plato niya. Wow! Wala man lang ba siyang reaction sa sinabi ko? Buti nga nag-sorry ako, eh.
Bumuntonghininga ako at bumalik sa paghihiwa ng karne nang marinig ko siyang magsalita. "Don't worry about it. What counts is your presence there." Natigilan ako nang marinig ko ang sinabi niya. I bit my lower lip dahil feeling ko mapapatili ako sa kilig. Pereng shere keshe! Ang gusto ko lang naman reaction, bakit may kasama pang pagpapakilig?
Pero teka, kaming dalawa lang ang kumakain dito sa bahay nila. Date ba 'to? Ihh—pereng tenge!
Sa sobrang kilig ko eh tumalsik iyong steak na hinihiwa ko at bahagyang dumulas ang kutsilyo at tinidor na hawak ko kaya gumawa ito ng kaunting ingay. Mabilis akong tumingin sa gawi ni Ludovic Luciano at tulad ng inaasahan ay nakatingin siya sa akin. Pagkatapos ay naglipat siya ng tingin sa steak, tapos sa akin ulit. Jusko! Ano ka ba naman Constance, ngayon ka pa talaga nagkalat. "Hehe." Ngumiti ako sa kanya nang magtama ang mga mata namin.
"Do you need help?" casual na tanong niya pero umiling ako. "Keri ko na 'to sus! Favorite ko kaya 'tong steak," pagyayabang ko. S'yempre eme ko lang 'yon. Wala nga akong ideya sa lasa nito, kaya paano ko 'to magiging favorite? First time ko pa nga lang kakain ng steak. Hindi naman kasi mura ang steak kaya hindi ko pinangarap bumili at kumain.
Inumpisahan kong maghiwa muli ng steak—Potek! Ano bang klaseng steak 'to. Bakit napakahirap namang—shit!
Tulad nang unang attempt kong paghiwa ng steak ay tumalsik na naman iyong maliit na piraso ng karneng hinihiwa ko sa kung saan.
Napansin ko siyang tumayo mula sa pagkakaupo at nag-umpisang maglakad palapit sa akin. Luh! Pupunta pa ba talaga siya dito sa akin para tulungan ako sa steak?
Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.