Chapter 9

16.4K 521 17
                                    

ENCHANTED: The Accursed Daughter
©EmpressWinteroo

Chapter 9

I R I N E

Naglakad kami ni Cyndel sa mga sulok ng gubat. Ang sabi niya ay pinadaan niya raw ako sa ligtas na ruta papunta sa kanila kaya walang masyadong mga mababangis na hayop.

"Sorry pala kanina," panimula ko.

"Okay lang 'yon. Matatanggal din naman 'to." Ngumiti siya habang hinihimas ang nagyeyelo niyang braso. "Ako nga dapat ang magsorry."

Nagtaka ako. "Bakit?"

"Binangungot ka kanina, hindi ba?"

Tumango ako at napatigil sa paglalakad. "Paano mo nalaman?

"Ako kasi ang may gawa no'n."

"Ha?" Hindi makapaniwalang sigaw ko. "Paano?"

"Elf ako at kaya kong magbigay ng mga nightmares sa ibang nilalang tuwing uupo ako sa tiyan nila. Nagpaliit ako noon na kasing liit ng isang daliri mo at inupuan kita kaya nanaginip ka. Naalarma kasi ako sayo dahil akala ko ay delikado ka at pwedeng makapanakit lalo na't naramdaman kong isa kang enchanter kaya ginamitan kita ng kapangyarihan ko."

Lumayo ako nang bahagya. "Akala ko ba mapagkakatiwalaan kita?"

Nataranta siya. "Ginawa ko lang naman 'yon para protektahan din ang sarili ko kung sakaling may masama kang balak. Pero noong nagising ka at pinakita mong hindi ka pamilyar sa mga bagay-bagay, napagtanto kong nangangailangan ka pala ng tulong."

"Oh." Nagform ng "o" ang bibig ko sa mahaba niyang explanation.

Kapangyarihan niya na nga ang magpagalaw ng ugat, kapangyarihan niya rin pala ang nangyari sa 'kin kanina. Kailangan ko yatang mag-ingat kapag kasama ko siya.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad pero hindi parin maialis sa memory ko ang sinabi niyang mga salita tungkol sa kung ano raw ako.

"Cyndel..." Tawag ko sa kanya. "Ano ba ang isang Ice Enchanter?"

Tumingin siya sa 'kin nang ilang segundo bago nagsalita.

"Mukhang wala ka talagang ideya, ano?" Ngumiti siya. "Sa bahay ko nalang sasabihin ang lahat."

Tumango ako. "Ayos lang. Pero sana h'wag mo 'kong biglain. Ang hirap kayang i sink-in ang mga bagay."

Tumawa si Cyndel at ikinawit ang kamay niya sa braso ko. "Halika na nga."

Nagpatuloy kami sa paglalakad habang nagtatanong si Cyndel tungkol sa 'kin. Hindi ko na tuloy napagmasdan ang mga lugar na dinaanan namin dahil nakapokus nalang ako sa kanya. Bawat segundo ay nagsasalita siya at wala siyang pinalampas na mga tanong.

"Bakit nasa gubat ka kanina?" Tanong niya.

"Hindi ko rin alam. Bigla nalang akong napunta doon pagkagising ko."

"Galing ka nga sa mundo ng mga tao?"

"Ah, siguro?" Kanina niya pa pinipilit yang mundo ng mga tao kahit na tao din naman-ay hindi. Elf pala siya.

"Bakit ka nandoon? Alam mo bang ipinagbabawal sa atin na pumunta tayo sa lugar na 'yon?"

Kumunot ang noo ko. "Sinong nagbabawal?"

Naghintay ako ng sagot niya ngunit nawala na ang atensyon niya sa 'kin at ngayo'y nakatingin siya sa harapan.

"Nandito na tayo!" Hinila niya ako papunta sa isang malawak na gate na gawa sa matitibay na kahoy.

[HOLD] Enchanted: The Accursed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon