"Wow. Ako pa ang natawag ngayon na stalker? Haha. Madalas ka naman talaga dun di ba? Paborito mo nga luto ko eh", nag smirk sya.
"Hah!? Kelan pa?" Weh? Di nga?
"Di ba dati kumain ka nung chicken curry tapos naka dalawang serving ng curry at talong extra rice ka? Haha. Tapos sabi mo kay Tita Jes ang sarap kasi kaya dami mong kinain"
Oh, that. Sabagay, sabi ni Tita Rej hindi raw sya ang nagluto nun, tapos may sinambit syang pangalan. Kaso, wala naman akong pakealam at that time. All I could focus on, was the curry I'm eating. After that always na yun ang ino-order ko pag meron.
"Talaga? Ikaw nag luto noon?" hindi halata sa kanya na marunong siyang magluto. Para kasi siyang rich kid na walang alam gawin na pangbahay.
"Oo nga. Tss. At dahil sa exaggerated comment mo about dun sa niluto ko, everyday na tuloy ako nag luluto kila Tita"
"Haha, sus. Feel na feel mo din naman siguro ang pagiging chef"
"Well, it's not like I hate it. By the way, names Kaizen", he stretched out his free hand to me.
Inabot ko naman ito, "Scarlet, not stalker girl". Then I smiled and he did too.
Nakarating na kami kila Tita Jes.
"Thanks for the umbrella"
"No prob"
"Kai? Ikaw na ba yan? Ahy nakung bata ka sabi ko na kasing magdala ng payong!" Lumabas naman si Tita Jes sa gate na may dala-dalang payong. Napansin naman niya kaagad ako.
"Oh, Scar, andito ka pala", sabi niya sa akin.
"Ah, Magandang hapon po Tita Jes", nagmano ako at nag "God bless you" naman siya.
"Oh, ba't ka naparito? Naku maaga pa naman ako nagsara ng kainan", tanong niya sakin.
"Ahy, Tita Jes hinatid ko lang po sya", sabay turo kay Kaizen, "wala po kasing dalang payong".
"Kaya nga! Sinasabi ko na kasing palagi nyang dalhin to", mini-mean nya yung pink with ribbon designs na hawak nyang payong.
Pfft, haha. Kung ako naman siguro si Kaizen hindi ko rin dadalhin yan..
"Sige po Tita Jes, mauna na po ako", pagpapaalam ko sa kanila.
"Ay sandali! Baka gusto mo muna mag merienda nagluto ako. Tiyak na magugustuhan mo", pang aalok naman ni Tita Jes.
Wow, instant merienda! ^_^ Normally tatanggi ako pero since alam kong masarap talaga mag luto so Tita Jes, eh, grab the opportunity na. At saka hindi araw araw may mang aalok sayong magpakain na libre.
At ayun na nga, umo-o ako at pumasok na kami sa bahay nila. Maganda ang bahay ni Tita Jes, tama lang ang laki para sa 4 na tao. Actually, first time ko makakapasok sa bahay niya. Sa resto lang ako palagi. Medyo close naman kami ni Tita Jes, nag jo-joke kami sa isa't isa at nag kwekwentuhan pag wala masyadong customer, pero hindi yung to the point na libre pagkain XD
"Pansin ko, hindi ka mahiyain", bigla namang nagsalita si Kaizen na katabi ko na pala papasok ng bahay ni Tita Jes.
"Grasya yan no. At saka, nagugutom narin ako."
"Ibang klase ka. Pano pag mamatay tao na pala yung nang imbita sayo? Basta may libreng pagkain sasama ka na?"
"Ohy! Kilala ko naman kasi si Tita Jes. Kung makapagsalita ka naman parang first meeting palang namin ni Tita", napatawa nalang ako.
YOU ARE READING
Forever and Always
RomancePuppy love. Ever experience one? Well I have. I thought it was the most wonderful feeling. But there was something way better. The kind of love that makes you believe in happily ever after. The kind of love you feel when you say, "forever and alway...
Chapter 4
Start from the beginning
