“Gusto mong sumabay saming mag lunch? Emo ka kasi dyan. Kaming dalawa lang kasi si Sammy boy si Ericka kasi ay kinidnap ni Sander. Bet mng sumabay?” dirediretso nyang sabi

“Basta ba libre nyo!” kala nila ah may bayad ata ang oras ko. Papangit din ang image ko pag nakita nila na si Sander Cortez ay nag lunch kasama ang dalawang babae! Kamusta naman yun diba? -_-

“libre ka dyan. Kaya ka nga naming isasama para ikaw ang manlibre samin ni Sammy boy ko. Tara na” ayun wala ng nagawa kaladkarin ba naman ng isang to sino pa kaya ang hindi makakatanggi. Haixt. Pang asar talaga to si Jenny minsan

Habang kumakain kami ay sige lang ang tsismisan nung dalawa. Feeling ko nga natatalsikan ng laway yun kinakain ko eh. Di pa nila alam na bawal mag salita habang kumakain?

“hoy lalaki magsalita ka naman jan. Baka mapanis ang laway mo” sabi ni Jenny si Samantha naman ay patawa tawa lang.

“excuse me hindi napapanis ang laway ko” panawid sagot lang. hay buhay ganito pala ang mga babae hindi matahimik ang bunganga sa kakasatsat. Nang susubo na ko ay biglang nagsalita ulit si Jenny

“Excited na ko sa kissing scene nyo ni Sammy baby ko. Galingan nyo ha dapat maging makatutuhanan yun” kamuntikan ko pang maibuga sa kanya yung pagkain na ksalukuyan ko ng nginunguya. Tama ba naman na maging excited sya dun?

Tiningnan ko naman si Sam at halatang nagulat din sya sa sinabing yun ni Jenny

“Hahahaha! Kami pa ni Sam syempre gagawin naming makatotohanan yun” tiningnan ko si Sam at pinangdilatan nya ko ng mata.Haha.:DD

Pag katapos naming mag lunch ay umalis si Jenny may meeting daw kasi ang school publication kaya no choice kami ni Sam kundi ang magsama. Dahil almost 1 hour pa naman bago ang klase ay inaya ko si Sam na tumambay sa school ground. At himala pumayag sya. Haha maasar nga tong isang to. *evil smile*

Ng dumaan kami sa likod ng humanities building ay naalala ko na naman ang nangyari noon kila Sam at Sander kung tutuusin nga eh parang may relasyon ang daawang yun, pero napaka imposible naman nun. Si Sander ay nililigawan si Ericka tapos ano naman si Sam? Pampalipas oras? Lagot sakin ang lalaking yun pag ginawa nya yun kay Sam!

“hoy kanina ka pa tahimik dyan. Nakakapanibago ka” sabi nya habang nakaupo sa may damuhan

“concern kaba?”

“Asa ka naman. Ako mag ka concern sayo? NEVER!”

“makapag NEVER ka naman dyan baka nga may secret feelings ka sakin eh. Diba?”

“naka drugs ka talaga noh?.”

Tapos humiga sya sa may damuhan at biglang nag yawn. Tinanggal nya naman ang salamin nya at saka pinikit ang mga mata nya. Nahuli ko na lang ang sarili ko na tinititigan si Sam.

Argghh! Ano ba to. >.<

Bigla naman syang nagsalita at parang may naramdaman akong lungkot sa tono ng boses nya.

“Cedrick pano kung mapagkamalan ka ng kaibigan mo na may gusto ka sa isang lalaki? Anong gagawin mo?”

“itatawa ko na lang. HAHAHAH!”

bigla syang bumuntong hininga. “Sabi na nga ba wala kong mapapala sayo”

Aray naman.

Silence..

Ilang minuto ding hindi nagsalita si Sammy akala ko nga sinasadya nyang hindi magsalita yun pala nakatulog na. Kamusta naman yun diba? Dahil na rin sa presko ang napwestuhan naming dalawa ay ilang sandali lang nakatulog na ko habang nakasandal sa puno at si Sam naman ay nakahiga na sa lap ko, nakakaawa naman kasi ang pwesto nya kanina.

BOOK 1: The Transformation of a NERD (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now