Chapter 8

76.3K 2.1K 334
                                    

Chapter 8

Umupo ako sa upuan sa tapat ng kanyang table at kinalma ang sarili.

"Is it about science quiz bee again, sir?" Panimula ko. "Kasi-"

"It's not." Umupo siya sa swivel chair.

Kumunot ang aking noo.

Ibubuka ko pa lang ang bibig para magtanong muli ngunit naunahan niya ako. "Why are you with Altamirano? Is he courting you?" Diretso niyang tanong.

"No." Pagtanggi ko, nagtataka sa kanyang tanong. "We're just partners... in English."

Unti-unting sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi. Kumabog ang aking dibdib. Lumunok ako at kinuyom ang palad. Tumikhim siya at umikot.

Ngayong nasa likod ko na siya ay mas lumala ang halu-halong emosyon na naglalaro sa aking sistema.

"Have you eaten your breakfast?" Tanong niya.

"Yes, sir. Kumain na kami ni Altamirano-"

"Altamirano again." Pumunta siya sa aking harapan at kumunot ang noo. "Ano bang meron sa batang 'yun at laging bukambibig ng mga babae dito? At ... bakit pati ikaw?"

"Huh?"

Muli siyang tumalikod at hinaplos ang buhok.

"Goodness... I know it's wrong... it's wrong." Paulit-ulit niyang sabi.

"Sir, are you okay?"

Humarap siya sa akin. "No! Ang tagal na kitang binabantayan at ngayon lang ako kinabahan nang ganito!"

Bumilis ang tibok ng aking puso. Tama ba ang narinig ko?

Lumunok siya. Bumaba ang tingin ko sa kinuyom niyang mga palad. Hindi ako makagalaw sa kinauupuan.

"I'm scared, Tamiya. I'm scared to tell you my real feelings." Kinagat niya ang ibabang labi. "But... I can't hide this anymore. 1st year high school ka pa lang... gusto na kita."

Nagsquat siya sa tapat ko. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong napalunok.

"I like you Tamiya..." He confessed.

Ibinuka ko ang bibig ngunit walang lumabas dito.

"I know that you're still young. That's why I told myself that I'll wait until you graduate." Dinala niya ang kamay sa aking pisngi. "I'm going to court you, Tamiya. Is it okay-"

"Nagbibiro ka ba?" Kinagat ko ang labi at nag-iwas ng tingin. "You're our teacher. It's unethical and unprofessional to hear something like this from you." Tinanggal ko ang kamay niya sa aking pisngi. "Sir... wag mo naman akong biruin." Nagpilit ako ng ngiti.

Tumayo ako.

Bago pa ako makahakbang ay muli siyang nagsalita. "I know it's unprofessional. It's forbidden. You are my student and I am your teacher. But it's what I feel Tamiya. I force myself to avoid you but every time you look at me, every time you smile at me, the feeling's getting worse." Hinawakan niya ang aking kamay.

Bumagsak ang tingin ko dito.

"I know how fast I am." Iniharap niya ako sa kanya. "But... I want to court you."

Ilang minuto akong hindi umimik. Nakatungo lang ako at pinakikiramdaman ang reaksyon ng aking dibdib.

Hanggang sa hindi ko na napigilan ang pagsilay ng ngiti sa aking labi. Marahan ko itong kinagat.

"Do what you want... sir." Napailing ako dahil sa salitang namutawi sa aking bibig.

Alam kong mali. Alam naming dalawa na hindi ito tama. Pero gawain ko ang gumawa nang ganito.

Don't Play With Fire (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon