"what if tulungan ka nalang namin Constance" sabi ni Kiyota sa akin, i was about to answer him no pero wala na rin akong nagawa kundi um-agree sa kaniya.

kasa ksama ko sila ni Maki sa paglilibot, we talk and buy some things na rin. si Kiyota ang pinakamaingay sa aming tatlo kaya minsan ay pinagtitinginan kami sa ingay niya kung di lang din siya sasawayin at babatukan ni Maki ay hindi siya tatahimik.

after more than 3 hours ay natapos kami sa paglilibot sa mga stores, pinakamaraming nabili si Kiyota samantalang ako ay mga bagay lang na kailangan ang binili si Maki naman ay sapatos ang nabili.

"ops! wait lang Maki-san, Constance tumatawag mommy ko" sabi ni Kiyota tsaka umalis sandali. naiwan naman kami ni Maki na nakaupo sa lamesa dahil nasa labas kami ng cafe at doon piniling kumain.

"parang hindi ka naman kumain Miss Journalist" sabi niya sa akin tsaka siya sumimsip sa order niya kape.

"kumain po ako, please drop the Miss Journalist i told you earlier" sagot ko sa kaniya tsaka tinusok ang chocolate cake na order ko at sumubo ng kaunti.

"nope, iyon ang itatawag ko sayo, Miss Journalist" sabi niya sa akin tsaka sinandal ang likod niya sa inuupuan niya.

i rolled my eyes at him.

first time ko iyong ginawa dahil ayoko talagang tinatawag ako gamit ang kung ano anong pangalan. i raise my eyebrow when he chuckle kaya mas nairita ako

"come on Miss Journalist is better kaysa Miss Foreigner" sabi niya sa akin. inilapag ko ang tinidor na hawak ko tsaka humalukipkip

"i don't like any of those name. may pangalan ako" sabi ko tsaka sumimsim sa order kong fruit tea.

"it suits you so what's wrong with a little name" sabi niya tsaka ngumiti. i rolled my eyes

"i just don't like it" sabi ko tsaka nilapag sa lamesa ang inumin ko.

ngumiti siya sa akin tsaka binasa ang ibabang labi niya, i raise my eyebrow at him tsaka siya mas ngumiti.

"you're so beautiful Miss Journalist" sabi niya tsaka kumindat sa akin.

...

days had pass at sobrang busy ko talaga, hindi iyan maitatanggi dahil halos gabi gabi ay kasabay kong umuuwi ang buong basketball team dahil sila ang players na focus ng reports ko.

"gather up!" sigaw ni Akagi-kun sa mga kasama habang ako ay abala sa pagtitipa sa laptop ko katabi si ate Ayako na tumayo dahil sa pagsigaw ni Akagi-kun.

binalik ko ang tingin sa laptop ko tsaka nagdagdag ng ideya sa report ko na ipapasa ko bukas sa EIC namin.

"Con uwi na tayo!" sabi ni ate Ayako kaya naman isinara ko na ang laptop ko at inilagay sa bag tsaka tumabi na sa kaniya.

"mamaya na tayo uwi! kain muna tayo!" sabi ni Hanamichi habang nakahawak sa tiyan niya.

"lagi ka namang gutom" masungit na sabi ni Miyagi-kun sa kaniya. ngumuso si Hanamichi, sasagot pa sana kaso nagsalita na si Kogure-kun

"maganda naman ang idea ni Sakuragi-kun ngayon, gutom din ako" ngiting sabi niya.

napasapo kami ni ate Ayako sa mga noo namin nang halos i-head lock na ni Hanamichi si Kogure-kun

"ayan! tama yan boy labo! nyahahahahahahaha!" tawa niya dito.

isang batok naman ang natanggap niya kay Akagi-kun bago siya nito hilahin sa tenga

"bugok talaga" sabay sabay naman na sabi ni Mitsui-kun, Miyagi-kun at Kaede.

napagkasunduan naming lahat na sa food park na lang kumain.

kasabay kong naglalakad si Mitsui-kun na mukhang malalim ang iniisip sa harap namin ay si Miyagi-kun at ate Ayako sa likod namin ay si Rukawa na nakikinig na naman ng heavy metal na mga kanta.

"Mitsui-kun" tawag ko ng pansin niya, maagap naman siyang lumingon sa akin ng may pagtataka.

"hmm?" sagot niya tsaka inayos ang bitbit na duffel bag

"ayos ka lang ba?" kuryoso kong sabi tsaka kami lumiko sa ikatlong kanto mula sa school kung nasaan ang food park

"ah, oo may iniisip lang" kiming ngiti na sagot niya

"sigurado ka?" sabi ko tsaka hinigpitan ang hawak sa dala kong bag

"oo naman, ikaw kamusta mukhang stress na stress ka na ah" sabi niya sa akin, napapunas ako ng pawis sa noo ko tsaka tumango.

"hmm, ang dami ko pang kailangang i-edit tapos bukas na submission non" sabi ko sa kaniya.

"kailangan mo ba ng tulong?" tanong niya sa akin, ngumiti lang ako tsaka umiling

"i can manage talagang kailangan ko lang maghabol" sabi ko sa kaniya

"masyado kang maganda para maghabol" sagot naman niya sa akin. napailing naman ako habang nakangiti

"hindi naman ako nainform na hindi ka lang pala marunong mag 3 points pati pambobola ginagawa mong career" sabi ko sa kaniya tsaka tumingin tingin na sa mga stall dahil nasa food park na kami

si Sakuragi-kun ay halos puntahan lahat ng stall nakasunod naman sa kaniya si Akagi-kun at Miyagi-kun sama na si Kogure-kun habang si Rukawa naman ay nakadukdok na sa isang lamesa mukhang tulog na

"oh ano sa inyo?" tanong ni ate Ayako sa amin.

"grilled skewers tapos tonkatsu at ice cream" sabi ni Mitsui-kun kay ate Ayako

"noted! ikaw Constance?" sabi ni ate Ayako sa akin. naupo ako sa upuan katapat si Mitsui-kun

"crepe, grilled corn and skewer nalang po" sagot ko sa kaniya. nag thumbs up naman siya sa akin bago naglakad papunta sa mga stalls

"bola lang ang alam ko bolahin Con" sabi niya sa akin. napaangat naman ako ng kilay sa kaniya tsaka napailing

"ewan ko sayo Mitsui-kun" sabi ko sa kaniya tsaka nilapag ang bag ko. ngumiti naman siya sa akin bago ako napatitig sa peklat na nasa halos ibabang bahagi ng baba niya.

"napano yan?" tanong ko sa kaniya tsaka tinuro ang peklat niya

"ah ito? hindi ko na din matandaan eh nakuha ko yata to sa pagiging basagulero ko noon" sagot niya sa akin tsaka nilapag ang dalawang kamay sa lamesa. napatango naman ako sa sagot niya

"alam mo, ako curious ako sayo" sabi niya sa akin kaya napaangat ako ng pareho kong kilay

"sakin?" tanong ko habang nakaturo ang hintuturo ko sa dibdib ko. tumango naman siya tsaka sumagot

"pano ka napunta dito?" sabi niya sa akin. ngumiti naman ako at nagkwento sa kaniya, isinalaysay ko lahat 

"woah, ang galing ah!" sagot niya sa akin tsaka tumango tango

"oo, ayoko man pero syempre benefit din sa akin tsaka mas makakatipid ang mama ko" sabi ko sa kaniya

"so totoo nga ang sabi nila na hindi mo talaga kilala ang ama mo" sabi niya sa akin kaya tumango ako.

"hindi ko siya nakilala at wala na akong plano pang kilalanin siya" sagot ko sa kaniya.

"hindi mo ba hinanap kahit isang beses?" tanong niya sa akin kaya napailing ako

"siguro noong bata pa ako pero kasi nakamulatan ko na ang mama at lola ko kaya siguro hindi ko na rin siya hinanap, isang factor na din na lahat ay binibigay sakin ng mama at lola ko" sabi ko sa kaniya.

hinipan ng pang gabing hangin ang buhok ko kaya bahagya akong napatingala para hayaang malamigan ang leeg ko

"hayaan mo Constance, may mas magandang plano ang diyos para sayo" sabi niya sa akin kaya nilingon ko siya

his blue hair were swaying from different direction while his genuine smile were plastered on his lips

nakakahawa ang ngiti niya kaya napangiti din ako

"KAIN NA!" sabi ni Hanamichi kaya sabay kaming napatingin sa kaniya

natawa kami pareho ni Mistui-kun dahil hindi na niya mahawakan pa ang dami ng pagkain na dala niya.

maybe Mistui-kun was right. may plano si Lord para sa akin, sa lola ko at lalong lalo na sa mama ko

The Exchange StudentWhere stories live. Discover now