CHAPTER 14:

31.7K 748 19
                                    

  "Kuya naman! Don't you see? Im sleeping!"

  "Explain to me this!"

Biglang hinagis nito sa kanya ang isang papel. Binasa nya ang nakasulat dito.

*thank you for letting me sleep. Don't forget to study the files that I gave you. Okay?
-Ezekiel*

Nang mabasa nya ang sulat ay agad syang lumabas ng kwarto at para pumunta ng sala. Nakasunod lang ang kuya nya sa kanya.

  "Tell me Gianna! Sino iyong natulog dito kagabi? Kailan ka pa nagpatulog ng lalaki dito sa bahay?!"

Muli syang sinigawan ng kuya nya.

  "You don't have to shout kuya! Di ako bingi okay?!"

  "You're the one shouting at me!"

  "No! You are!"

Sigaw nya din rito. Napahilot na kang ito sa sentido nito.

  "Okay, okay. Sorry if I shouted at you. Im just worried when I saw this note. Pero sana sagutin mo ang tanong ko sayo."

Sabi nito sa kanya. Huminga sya ng malalim bago nagsalita.

  "Okay. Nagpunta dito kagabi yung boss ko, si Ezekiel Fontalejo."

  "Then? Anong ginawa nya dito?"

Tanong ulit ng kuya nya. Hay! Grabe! Ang kulit!

  "May hinatid syang files para mapag aralan ko dahil ginawa nya akong executive secretary nya. Then nagpaalam sya sa akin na maiidlip muna daw sya dahil inaantok sya, pinilit ko syang umuwi na pero ayaw nya, gisingin ko na lang daw sya ng bandang 10pm kaso nakatulog na din ako."

Paliwanag nya sa kuya nya.

  "Iyon lang ba talaga ang nangyari?"

Paniniguro nito.

  "Oo nga kuya."

  "Siguraduhin mo lang Gianna. Matutulig na ako dahil wala pa akong tulog. Mag ayos ka na din para makapasok ka na. Anong oras na."

Sabi nito sa kanya at pumasok na ito ng kwarto. Tiningnan nya ang wall clock, mag aala sais na ng umaga.

  "Nakaligo na nga."

--------------------------

Nang makarating si Gianna sa opisina ay agad syang pumunta sa bago nyang pwesto. Sumilip sya sa opisina si Ezekiel upang tingnan kung nandoon na ang lalaki ngunit wala syang nakitang anino nito.

  "Wala pa siguro."

Sabi nya sa sarili. Umupo ba sya sa lamesa ny at sinimulan na ang trabaho nya. Bigla naman tumunog ang intercom nya. Pinindot nya ang button.

  "Pumasok ka nga sandali, may ipapagawa ako sayo."

Sabi ng boses sa kabilang linya.

  "Sino to?"

Sabi naman nya.

  "Sino ba dapat ang nandito? Get in here!"

Pinutol na nito ang linya.

  "Ano bang problema nun?"

Pumasok na sya sa loob na nakita nya itong inaayos ang suit.

  "What are you taking so long?"

Sabi nito sa kanya na patuloy pa din sa pag aayos ng suit.

  "Ginagawa ko yung pinapagawa mo."

FONTALEJO MEN SERIES #1: Rude Guy (Ezekiel Fontalejo) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon