PART26

27.1K 461 4
                                    


Dalawang linggo narin simula ng nangyari dun sa convencion ng hotel at yung pakikipag-hiwalay sakin ni sky.hanggang ngayon ay umiiyak parin ako lalo na kapag mag-isa nalang


Nararamdaman ko,may dahilan si sky kung bakit nya 'to ginagawa pero kung anu man 'yon diba dapat sabihin nya sakin pwede naman naming pag-usapan yun eh


Pero pano kung talagang ayaw na nya.pano kung totoo yung mga sinabi nyang hindi naman sya masaya at nagsasawa na sya,..sabagay ako lang naman ang umaasang balang araw kapag tumagal kami baka matutunan din nya 'kong mahalin...ang asyumera ko naman kasi


Nakatingin pa 'ko sa labas ng bigla kong narinig yung pag-vibrate ng phone ko kaya tinignan ko kung sino yung tumatawag.si luis lang pala.sinagot ko na


"Sab dalawang linggo na tayong hindi lumalabas ah.kamusta ka na...?nabalitaan ko yung nangyari sainyo ni sky asawa ka pala nya bakit hindi mo sinabi sakin..?ang pakilala nya sayo is secretary pero asawa ka pala nya.alam ko sab may dinaramdam ka magkita tayo para mawala yang sakit na nararamdaman mo." Puno ng pag-aalalang sabi nya


"*sniff*sorry luis pero wala ko sa mood mamasyal ngayon eh pero-- napahinto ako...oo nga tama si luis baka pag-lumabas ako kasama sya baka mawala na 'tong sakit na nararamdaman ko.naalala ko yung posibilidad kung kami parin siguro ni sky hanggang ngayon eh magagalit sya sakin kapag nalaman nyang lumalabas ako kasama si luis saka yung time na anung oras na 'ko nakakauwi...yung sermon nya...yung pagkunot ng noo nya.yung pangbabara nya sakin lahat yun pati mga manarism nya miss ko na

Napaiyak pa 'ko lalo.wala na 'kong pakielam kahit naririnig pa 'ko ni luis

"Hey tahan na sab don't cry..payag ka na ba kung papayag ka susunduin kita dyan sa bago mong tinutuluyang condo."

Nag-isip muna ko ng sandali


"Okay sige.payag na 'ko.."

"Okay salamat sab ah...don't worry papasayahin kita.promise oh sige na bye maya nalang." sabi ni luis sabay baba ng tawag

So feeling ko mag-isa nanaman ako...sinubsob ko na yung muka ko sa unan

Tumingin ako sa salamin..grabe mugto na talaga yung mga mata ko...tapos hindi ko na nasusuklayan yung mahaba kong buhok


Yung buhok ko tinignan ko muna sandali...may kasabihan na ang babae kapag brokenhearted eh ginugupitan yung buhok..tapos mas nagpapaganda pero yung buhok ko lang talaga yung napuna 'ko

Dahil sa sobrang lungkot at frustration,,kinuha ko yung gunting...kaylangan ko lang ng mapag-bubuntunan ng nararamdaman ko kaya kahit matagal kong inalagaan yung maganda at mahaba 'kong buhok.sinimulan ko na 'tong gupitan ng gupitan



Ng natapos na 'ko sa trip ko eh binaba ko na yung gunting...ayan wala na...maikli na yung buhok ko napa-iyak nanaman ako...anu ba namang buhay 'to?!.ang ikli na nya hanggang sa baba ng muka ko yung ikli ng buhok ko..

Pero mas lalo lang ata akong nalungkot e,,hindi naman nakatulong

MY COLD HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon