Blue Wolf 1

4.5K 190 12
                                    

Sorry for typos and grammatical errors.
Dahil sa may nag basa at nag comment na nitong story ko ay mag update na ko thank ulit..

Yung mga naka italic po ay alaala nya.

***********
[ Sapphire Blue Smith ]

Pinunasan ko agad ang mga luha na nagbabadyang bumaksak sa mata ko.Hanggang ngayon sariwa pa rin sakin ang mga pangyayari noon,hindi ko makalimutan kung paano pinatay ang mga magulang ko sa pagkakatanda ko ay wala naman kami naging kaaway noon.


*BANNGGG!!!*

Pagkarinig ko noon ay napahinto ako sa pagtakbo lumingon ako at nakita kong nakahiga sa lupa si mama duguan anyong lobo na sya at ganon din si papa.Malaking kulay itim si papa na may halong asul sa balahibo nya may mga ilaw na nakapalibot sakanya.Ganon din si mama isang malaking asul na lobo naman si mama may ilaw din na nakapalibot sa kanya,masasabi kong hindi kami ordinaryong lobo lang dahil kung ordinaryong lobo kami ay hindi namin malalakihan ang Alpha oo Alpha mas malaki pa kami sa Alpha.

Nagulat ako ng may sumigaw,"Hanapin nyo ang anak alam kong hindi pa iyon nakakalayo!!" sigaw ng isang lalaki sa di kalayuan.

Pagkarinig ko ay tinignan ko ulit ang mga walang buhay kong mga magulang umiiyak na tumakbo muli ako alam kong hinahabol nila ako.Iyak takbo ginawa ko hanggang sa napadpad ako sa isang lugar na hindi ko alam takbo lang ako ng takbo wala na nga akong masyadong makita dahil sa luha ko wala akong paki kung saang lugar na ito.

Hanggang sa may nabangga akong isang babae. "Ay!! Susmaryosep!! Ikaw bata ka mag ingat ka naman!"sabi ng ale habang pinupulot ang mga pinamili na nahulog.

Nakatulala lang ako na umiiyak pagod na pagod na ko at gutom na rin,"Ineng tumingin ka sa dinada--"

Iyon lang ang narinig ko and everything went blank.

Nagising ako na masakit ang tiyan marahil gutom na ako,"Gising ka na pala hija."may nagsalita sa may pinto at ngayon ko lang na realize na nakahiga ako sa kama not really a bed papag lang sya na may manipis na kutson.

"Nasan ako? Sino kayo? Anong nangyari?"tanong ko sakanya.

Humagikgik na lumapit sya sakin at sa ka binaba ang isang bowl na noodles sa tabi ng papag biglang akong nagutom at hindi ko inexpect na biglang tumunog ang tiyan ko.Note: Malakas pa kaya lalong tumawa ang matandang babae hindi naman sya masyadong matanda.

"Ang dami mong tanong hija,kumain ka muna para maibsan ang gutom mo sa ka ko sayo ikekwento ang ng yari." nakangiting sabi nya at sa ka inabot sakin ang noodles.

Pagkatapos kong kumain ay sinabi nya sakin ang nagyari at sinabi ko sa kanya na wala akong matutuluyan kaya ang sabi nya ay sakanya na lang ako tumira dahil wala naman daw syang kasama at nagiisa lang sya dito sa bahay.Sinabi ko din ang nangyari sa mga magulang ko pero hindi ko sinabi sa kanya kung anong klase akong lobo.

Kaya mula noong nangyari iyon ay itinuring na nya akong parang tunay na anak at ganon din ako itinuring ko na din sya na parang tunay na ina at masaya ako doon.

Napabalik ako sa realidad ng mapansin ko na umiiyak na naman ako at the same time nakangiti, na alala ko ang kwintas na binigay sakin ni mama tinignan ko ito meron itong malaking bilog na kristal sa gitna at color blue ito at parang may wolf ito sa loob pag tinignan mo ito ng mabuti,hindi ko na ito tinanggal pa sa leeg ko dahil ito ang sabi ni mama.

Blue WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon