Chapter 2

16 6 1
                                    

Kasalukuyang akong nakaupo sa labas ng Principal's office. Katabi ko sina Brix at 'yong babaeng nagngangalang Elindra. Pawang kinakabahan ang dalawa. Bali nasa magkabilang gilid ko sila. Kaming tatlo lang kasi ang nandito dahil 'yong mga tarantado kanina nagpadala sa clinic kahit wala naman silang kagalos-galos.

"Kinakabahan ako, Brix. Magagalit si Mama kapag nalaman niya 'to!" naiiyak na sabi ni Elindra.

"Hindi pa ba niya alam?" sarkastikong sabat ko.

Kitang pinatawag na ang magulang namin tapos sasabihin niya "magagalit si Mama kapag nalaman niya 'to"?

Bungol.

"Alam niya na po, Ate Astrid. Tinawagan na po siya ni Mrs. Rodriguez."

"Alam naman pala, e. Anong ikinakaganyan mo?"

Tuluyan na itong napaiyak. Mabilis naman siyang dinulugan ni Brix. Napairap nalang ako sa kawalan.

Sana pala hindi ko nalang sila tinulungan. Wala sana ako sa ganitong sitwasyon ngayon.

Hindi ko alam kung sinong santo ang bumulong sa 'kin para tulungan ko sila, kahit hindi ko naman sila personal na kilala. Ang kambal lang naman ang gusto kong makausap, na hindi ko na nagawa dahil sa nangyari.

Kung sakaling makikipagrambol ako, sa field kami magpapang-abot. Hindi sa classroom.

Nasuntok ko nalang ang pader sa likod ko dahil sa inis. Buti nalang, kaming tatlo lang ang nandito. Kanina pa nagsiuwian ang mga estudyante. Kaming mga involve sa gulo lang ang itinira para kausapin.

Nasa loob ng office si Mrs. Rodriguez, kausap ang guardians at adviser naming tatlo. Mga 30 minutes na silang nasa loob pero hanggang ngayon hindi pa rin sila tapos mag-usap. Naiinip na rin ako kakahintay.

I'm doomed. Really doomed this time.

Sure akong galit na galit na galit si Kuya. He's not in the mood siguro dahil pagkakita ko palang sa kaniya kanina, masama na ang timpla ng mukha niya.

I'm in a bad stake right now.

Ilang minuto pa ang hinintay namin bago may lumabas. Pero hindi 'yon ang principal.

Si Nurse Cath na may dalang first aid kit ang lumapit sa 'min.

"Nurse Cath, anong ginagawa mo rito? How's Gio? How about those bullshits? Bakit mo sila iniwan?" sunod-sunod na tanong ko sa kaniya.

Kinakabahan ako kung sakaling iniwan niya si Gio sa clinic ng mag-isa, tapos kasama pa ang mga walang hiyang 'yon. Hindi ko rin alam kung kailan pa siya nasa loob dahil hindi ko naman siya napansin kanina na pumasok.

"Nasa clinic pa rin si Gio. Nandoon ang adviser niyo kaya 'wag ka nang mag-alala. And for those students na kasama ng kambal, nasa STEM 12-C room sila, waiting for their parents to come. Binabantayan sila ni Mr. Caballero para hindi sila umalis," mahabang sagot nito. "At nakalimutan mo na ba? Connected ang principal's office at clinic ko."

I sighed out of relief. Buti na lang at hindi niya iniwan si Gio nang walang kasama. I also forgot na connected pala ang office ni Mrs. Rodriguez at ang clinic.

Kung hindi niya pa pinaalala, baka makalimutan ko na talaga.

"Concerned ka ba kay Gio?"

Sumama ang tingin ko kay Nurse Cath. Bakit naman ako mag-aalala sa kaniya? Sino ba siya sa buhay ko?

Kaklase ko lang naman siya. Nothing more, nothing else.

"Of course, not. Why would I?" I answered with no expression. She just shuggred her shoulder.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 14, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PLAY SERIES #1: AGAINST THE QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon