*Psst* Notice anything different? 👀 Find out more about Wattpad's new look!

Learn More

Monster ♂ Chapter 46

Third Person’s POV

Kagagaling lang ni Saturn sa bar dahil nga gusto niyang magpakalasing. Hindi niya kasi matanggap ang nalaman niya tungkol sa babaeng mahal na mahal niya. Apat na taon siyang wala sa tabi nito pero hindi niya inaasahan na ganito ang mangyayari – nagkaanak ang babaeng mahal niya sa iba. Pero laking pasalamat na lang niya sa lalakeng nakausap niya sa bar kanina. Dahil sa mga sinabi nito sa kanya ay nalinawan siya. Nakalimutan niyang magpasalamat sa lalake pero sa susunod na magkita muli sila ay magpapasalamat na talaga siya.

Hindi na siya nakapag-antay pa na ipagbukas ang lahat kaya naman nagtungo siya sa bahay nina Chloe para kausapin siya. Hindi na niya inalintana na nakainom siya dahil alam pa naman niya ang ginagawa niya kahit papaano.

Pagkarating na pagkarating niya ay agad siyang pumasok ng gate at sinalubong siya ng mga maid dito.

"Si Chloe?" tanong niya.

“Nasa kwarto niya po, Sir.”

"Is somebody else home?"

“Hindi po. Si Ma’am Chloe lang po at Steffan ang nandito ngayon. Kung gusto niyo po siyang puntahan, nasa kwarto lang po si Ma’am Chloe.”

Nagtiim ang kanyang panga dahil narinig niya ang pangalan ng bata. Hindi naman siya galit dito. Hindi lang niya lubos maisip na hindi kanya ang batang iyon. Kung sana lang, kanya ang bata at hindi sa ibang lalake. Pero mas mahalaga ngayon para sa kanya ay ang makausap si Chloe.

Umakyat na siya para pumunta sa kwarto ni Chloe. Buti na lang at nakainom siya medyo nabawasan ang kaba niya. Hindi na siya kumatok at basta na lang binuksan ang pintuan at tuloy-tuloy na pumasok sa loob.

Nagulat naman si Chloe dahil sa biglang pagpasok ni Saturn. Hindi niya inaasahan ang pagdating nito.

“S-Saturn, a-anong ginagawa mo dito?”

Kumakabog ng malakas ang dibdib niya. Gusto niyang yakapin ang lalakeng mahal na mahal niya pero hindi niya magawa dahil sa malamig na tingin nito. Mapupungay pa ang kanyang mga mata kaya naman napansin niyang lasing ito.

“Let’s talk.” halos pabulong na sabi niya na mas lalong nagpakaba sa kanya.

Talk? Ah, siguro ay tungkol sa batang inaalagaan niya na sa pagkakaalam ni Saturn ay anak niya. Gusto din naman niyang magpaliwanag pero hindi niya alam kung paano simulan dahil sa kaba sa dibdib niya.

“S-Sige.” Ito na lang ang nasabi niya.

Lumakad patungo sa kanya si Saturn. Her body stiffened when Saturn sat down beside her. Hindi siya dapat kinakabahan ng ganito pero ang daming dahilan para kabahan siya. Una, kasama niya si Saturn sa iisang kwarto na silang dalawa lang. Pangalawa, gustong-gusto na talaga niya itong yakapin pero hindi niya magawa. Pangatlo, baka hindi siya makapagpigil at mahalaikn na niya ang lalakeng mahal niya sa sobrang pagkamiss dito.

Hindi man lang nila namalayan na sobrang lapit nila sa isa’t-isa. Nagkatitigan lamang sila at hindi nila alam kung paano sisimulan ang pag-uusap nila. Para bang nagkabara ang lalamunan nila na kahit ilang beses pa silang lumunok ay hindi pa rin nila magawang magsalita. Nakalagay na sa isipan nila ang mga gusto nilang sabihin pero ngayong sobrang lapit nila ay para bang nablanko ang kanilang isip.

Hinawakan ni Saturn ang kanyang baba at iniangat ang kanyang mukha. Gustong umiwas ni Chloe ng tingin pero hindi niya magawa kaya naman tinitigan na lamang niya ang mga nito. She can see hesitation in his eyes. Maya-maya ay binitawan na siya ni Saturn pero pagkatapos ng ilang minuto ay tumingin muli ito sa kanya. Para bang gusto niyang magsalita pero hindi niya alam kung anong sasabihin niya.

He's a MonsterBasahin ang storyang ito ng LIBRE!